84. The Apocalypse

13 2 0
                                    

     Chan P.O.V
~°○🌘⏱☀️○°~

Unti-unti kaming nalalagas. Madaming nasugatan sa labanan. Halos maging putik ng dugo ang buong kinakatayuan namin. Natigilan kami kaunti sa malaking pagsabog sa di kalayuan. Si Metfy. Tinaboy at binalutan niya ng yelo yung mga paparating na kalaban.

"Paumahin kong nahuli kami ng dating!" Sigaw ni Rama Rakino. Dumating na sila kasama ang libo-libo niyang mamamayan. Naganahan kami sa pakikipaglaban. Ang iba sa kanila ay tumulong na ilayo ang mga sugatan at ginamot.

May natutunan naman ako sa panget kong mukha. Effective yung malatakong ko na paa. Malakas panipa sa mga kalaban haha.

Napangisi nalang ako ng makita ko si Cyrus na kinukontrol si Saver. He is already under Cyrus' mind control. Natigilan nalang ako ng nagfade in sa likuran niya si Xygen.

"Shit!" Sinubukan kong rumisbak kaso masyado silang malayo. May mga sagabal na kaaway ang humaharang sa akin. "Mga Pashnea.... Cyrus sa likod mo!" Sigaw ko sa kanya kaso huli na ang lahat. Sinubukan na habulin ni Fharia Jesya siya pero mabilis ang pangyayari. Hindi ko na din makita sila Metfy at Shena. Siguro dahil malawak ang lugar na ito at gabi na rin.

"Fharia Jesya bihag ngayon ni Emerton lahat ng Napili!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan namin.

"Ano?!" -Fharia Jesya

"Fharia Jesya kami na bahala dito...puntahan mo na sila!" Sigaw ni Rama Rakino habang nakikipagbakbakan. Sinamahan siya halos lahat ng mga guro.

Nakita ko din sila Maro na paparating kasama ang mga kawal niya na kalahating kabayo.

"Hindi kayo kakayanin ni Fharia Jesya na dalhin doon" saad niya. "Mga kawal!" Utos nito. Lumuhod sila at inanyayahan ang iba sa amin na sumakay. Nang makasakay ang iba ay nagulat nalang ako ng naglalakad sila pataas. Wala man silang pakpak pero lumulutang sila sa ere. Tapos may parang ilaw na buhangin sa bawat hinahakbang nila. Tanging si Maro lang ang may pakpak sa kanila.

Teka kaka describe ko sa kanila maubusan ako ng masasakyan. Tumakbo ako sa isa sa kanila. Noong una ayaw pa akong pasakyan pero pinagbigyan din ako.

"Thanks Florian" sabi ko sa kanya siya kasi nagsabi kay mamang kabayo na pasakayin din ako. Ang dali talaga maging gwapo at ang hirap maging panget. Unfair! 😑

Naiwan sa baba yung mga kasamahan namin. Kalahati sa hukbo ang sumama papuntang Adamas. Kung bakit ba kasi sa tuktok pa ng kalangitan nakapwesto yung kahariang 'to. Aish!

Mabilis lang kaming makarating di lang pala sila mabilis tumakbo pati lumipad din. Inutusan ulit sila ni Maro na bumaba para kunin yung iba pa. Nagtaka naman kami kasi tama naman yung hatian ng hukbo.

"Hindi natin sila kaya....masyado pa silang madami" tanging saad niya.

Nandito din pala sila daddy ni Ron. Si tito Ronny. He summoned thousands of wild animals to help us.

Mas madaming Diamas at Lazuli ang makakasagupa namin ngayon. Madami ding may lazuling may pakpak gaya ni Xygen kaso mga mababang uri sila dahil halata sa kayumangging pakpak nila.

Hanggang ngayon di pa rin natatapos makipaglaban si Fharia Jesya sa bitch niyang kapatid. Hinayaan ko nalang sila total masyado silang magaganda para sa kagwapuhan ko. Yun nalang masasabi ko dahil alam naman natin na Maleficus sila it means they are naturally powerful and strong.

Napakabilis ng pangyayari para kaming nasa level 100...ang bilis namin malagas. Some of us put down their weapons. They're already losing their hopes.

"Mga kasama sugod!" Sigaw ni Master Yin.... teka

CHOSEN: The Goddess' ReturnDonde viven las historias. Descúbrelo ahora