60. The Broken Barrier

24 5 0
                                    

Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

Kasagsagan ng training session ng klase namin ngayon. Tama nga yung sabi nila ito yung pangalawa sa pinakamahirap na year level ang 'Warriors' nandito lahat ng mabibigat na physical training. Hindi lang siya simpleng training double pa kaysa sa military training.

Bukod pa dito nadagdagan pa ang training ko bilang chosen kada sabado.

Kung hawak ko lang anh oras mas pipiliin kong i-advance ito at mapunta na kami sa next level ang 'Enchanters' yun daw kasi ang pinaka masayang level sabi ni babe ko. Kasi pasimple-simple lang ginagawa nila pero bali-balita ko pagkatapos ng masasayang araw sa Enchanters level ay mapapalitan na ito ng pinakamahirap sa lahat ng level ang 'Supreme' kung saan pinagsamang Warriors at Enchanters curriculum huhu.

Naalala ko na naman tuloy si Babe ko. 'Babe wag kang mag-aaalala ililigtas ka ni kuya kaya sa ngayon lilinisin ko muna ang pangalan niya dito'

"Break time is done everyone please go back to your proper position" utos ng instructor namin. Mas gusto ko si Sir Mike at least siya close kami kaysa sa babaeng teacher namin to mas terror pa siya kay Sir Aris haha at lalong-lalo na kay Mang Tanyo kapag tinutupak haha. Ang bad ko talaga.. kung patalbugan sa pagiging kontrabida sa isip tiyak I'm the legendary Queen haha.

"Ehmm naku kung Diamas ka lang at may powers kang magkatotoo yang mga iniisip mo kay Ma'am siguro matagal ka ng expel dito" bulong sa akin ni Evelyn. Siya lang ang isa sa ka close ko dito. Syempre madami akong kaibigan freinny kaya ako. Nagkatinginan lang kami sabay tumawa.

"The two of you..." natigilan kami sa pagtawa bakit nga naman kasi napalakas ng tawa namin "Can you tell us, why are you laughing so that we can laugh too" seryosong utos nito. Napalunok nalang kami. "There's a plenty space here infront" yaya niya. Ang sungit naman ng teacher na to.

Habang dahan-dahan kaming naglalakad ni Evelyn ay nanginginig ang mga paa ko. Kasi pag di kami lumapit mas matindi pa ang parusa namin huhu.

"Ah earthquake!"

"Halla lumilindol!" Sigawan ng mga kaklase ko.

'Professors please make sure that your students are okay.' Habilin ng speaker 'Chosens please proceed to EA's Oval' may kakaiba bang nangyari? Kinakabahan ako pero wala na yung kaba ko sa teacher na ito hehe. Saved by the bell...
Pero may kakaharapin kaming problema ano kaya yun?

Nagteleport na ako papunta sa centro ng EA's Oval. Malayo kasi pag lalakarin hehe.

Pagkarating ko nagulat ako sa nasaksihaan ko. Napatingin din ako sa taas gaya ng mga kasama ko. Napakalaki na ng butas ng EA's Barrier halos 1/4 nalang ang nacocover niya.

"This is very critical. We need to regenerate the academy's barrier right now or else enemies can easily enter here." Ika ni Fharia Jesya

"Fharia diba po kapangyarihan lang ni Fharia Oxmenthy ang makakapagbalik niyan" tanong ni Xygen

"Tama ka...." naglakadlakad siya habang nakadungaw sa taas. "Wala na tayong pagpipilian pa kailangan natin subukan ulit. Kahit na wala si Saver siguro magagawa natin itong ayusin dahil nandito na ang aking kapatid"

"Ngunit nung sinubukan namin noon nila Saver, Cyrus at ako ay hindi nag work" pagpapaliwanag ni Xygen

"Hmmm maaari naman ninyong subukan ngayon lalo na at apat na kayong chosen at tsaka nandito naman na si Avytia" singit naman ni Mang Tanyo.

"Yes we can Mang Tanyo but I think hindi ito tatagal ng ilang taon dahil ayon sa pag-aanilisa ko ay aabot lang ito ng limang buwan....dahil nalikha ang barrier na kompleto ang limang elemento... may isa pang paraan para maging permanente ang barrier..." pagpapaliwanag ni Cyrus. Napakatalino niya talaga

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now