44. Her twin's ghost

36 6 0
                                    

           Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

Nananaginip na naman ako. Ang dilim ng lugar. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Para akong nasa naglalakad sa antartica o baka naman Sapphirus to. May nakita akong butas at para ba ako nitong tinatawag kaya naglakad ako patungo doon. Dumaan ako sa napakahabang tunnel ng yelo medyo madilim siya pero ramdam ko ang lamig.

"Tulong tulong palabasin niyo ako dito!" May boses na tumatawag sa akin na para bang nagmamakaawang tulungan siya. Nanggagaling yung boses doon sa dulo kung saan may liwanag. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako sa dulo. "Tulungan mo ako!" Muli kong narinig yung boses.

"Tresha?!" Si Tresha ba yun?

"Ako nga ito! Sino ka at bakit mo ako kilala?" Tresha? Anong pinagsasabi niya na kilala ko ba daw siya? Ang weird.

"Tresha pinaglalaruan mo na naman ba ako?"

"Hindi... hindi nga kita kilala baka yung kambal ko yung sinasabi mo" kambal? Oo nga narinig ko ng may kambal siya.

"Pinagtritripan mo na naman ba ako Tresha? Pwede ba wala akong time makipagbiruan sayo"

"Hindi ako nagbibiro o baka naman si Patricia yung sinasabi mo" Natigilan ako sa sinabi niya. Parang may dumaan na malamig na hangin sa mukha ko. Wait... kung hindi niya pa ako nakikilala it means......si Patricia ang nasa E.A.

"Ikaw ba si Tresha?" Hindi ko parin siya nakikita boses lang yung naririnig ko.

"Oo, Kambal ko yung nasa EA"

"Eh bakit ka nandito?"

"Kinulong nila ako dito" kinulong? bakit?

"Nalaman ko lang na may kambal ka last time pero hindi ko inalam kung nasaan ka. For all we know si Tresha yung kasama namin"

"Hindi!" Napakalakas na reaksyon niya na para bang nanunulak na hangin. "Inagaw niya buhay ko kinuha niya lahat.." anong ibig sabihin niya?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Matagal na siyang patay.. namatay siya dahil sa hindi maipaliwanag na sakit" Natigilan ako sa sinabi niya.. Patay? P-Pero paano siya nagkatawan? "Inagaw niya yung katawan ko at kinulong ako dito?"

"Kinulong bakit ka naman niya ikukulong dito at inagaw yung katawan mo?"

"Dahil naiinggit siya sa akin. Hindi ko naman kasalanan na mabuhay ng may malusog na pangangatawan at hindi ko naman piniling nasa akin lahat ng biyaya. Napuno siya ng inggit, selos at poot ng galit buong buhay ko pinilit kong ibigay anumang meron sa akin pero hindi siya nakontento gusto niyang maging ako. Inagaw niya buhay ko ang katawan ko!!!" Halata sa tuno ng boses niya yung galit. "Pashnea siya pati yung taong mahal ko pinagkakaitan niyang mabuhay"

"Sino?"

"Si Ace?"

"Ngayon dinudungisan niya pangalan ko nilalandi niya si Cyrus" at unti-unti siyang umiyak. Naawa ako sa kanya gusto ki siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano.

"Paano kita matutulungan?"

"Avisala eshma sa ating Bathalang Medhu at pinagbigyan niya ang aking hiling na makatagpo ng magliligtas sa akin. Kahit kapalit nito ay ang tuluyang panghina ng espirito ko. Sa ngayon hindi mo ako maililigtas dahil nasa panaginip mo ako. Kailangan mo akong hanapin dahil itinago ako ni Patricia kasama nung lalaking may kapangyarihang apoy."

"Sinong lalaking may kapangyarihan apoy?"

....

'Ring....!'

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now