53. That's My Body

37 6 0
                                    

            Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

"Bote"

"Hanapin niyo siya!" Sigawan ng mga estudyante. Bakit lahat ay nagising.

Sinong hahanapin? Kinuha ko yung bote at bumalik na sa unit namin. Yung payapang gabi kanina ay napalitan na ng ingay.

Siguro ay may pakulo na naman ang akademya. May event ba? Bakit gabi? Pagod na ako at hindi na ako makikihalubilo sa ngayon. Kaya siguro wala pa sila Shena at Metfy.

Nagtungo ako sa CR at naghugas bago matulog. Tinabi ko na rin yung bote sa mesa tabi ng higaan ko.

Oh may message sa smartwatch ko. Siguro about to sa ingay sa labas kanina. Dinumpot ko nalang at binuksan.

From: Fharia Jesya
-Every please help us to capture Cyrus. He is the Mystery killer.

Nanlumo yung mata ko sa nabasa ko. Si C-Cyrus? Hay naku mga fraud student may nakialam na naman siguro ng system. Inilapag ko nalang yung smartwatch ko sa tabi ng bote. Napatingin ako dito.

"Anong bote kaya to?" Maganda siya ha pwedeng pang display. Triny kong buksan kaso mahirap buksan. "Ehm bukas nalang. Mag beauty rest muna ako"

...

'Avytia'

"Ah 5 minutes pa"

'Avytia'

"Antok pa ako Metfy"

'Dito...nandito ako' niirita na ako kanina pa ako ginigising si Metfy

"Oo na babangon na" bumangon na ako at minulat ko ng bahagya yung kaliwang mata ko. Wala siya. Binulat ki yung kanan wala din siya. Nananaginip pa yata ako. Humiga ulit ako.

"Avytia!" Nagulat ako sa sigaw na yun. Gising na talaga ako.

"She's still sleeping" malamig na tono ni Shena. Ang aga-aga ang lakas ng boses ng mga nasa labas. Nag-toot brush na ako at lumabas ng kwarto ko.

"Uhm h-hi Avytia" si Chan kakatukin niya sana yung pinto ko.

"Yes?" Hinila niya ako papasok sa kwarto ko at sinara.

"Avytia we need to talk but not here"

"Talk? What?"

"About kay Cy..." hindi ko na siya pinatapos nilagpasan ko lang siya para lumabas. Hinablot niya yung kanang kamay ko "Please listen.."

"Listen for what?!"

"Pinaghahanap ngayon siya ngayon ng buong campus" mahinang sabi niya.

"So ano namang bago dun?"

"Avytia today is different. Cyrus already knew the guy behind the face of Mystery killer at kung sinong kasabwat" napatigil ako dun.

"Huh? Sino? At pano?"

"I'll explain to you but lets talk far from here" hinila niya ako palabas ng unit namin.

"Oh bago kayo lumabas mag breakfast muna kayo" -Metfy

"No thank you" mas importante ngayon yung impormasyon na sasabihin ni Chan sa akin.

Sinusundan ko lang siya. Papunta kami ngayon dito sa library ng adamas. Pagpasok ko walang estudyante at wala  din yung bantay. Nakita ko sa sulok doon sa reading area si Hans at si Florian nakaupo.

"Hali ka" -Chan. Tahimik naman akong sumunod.

Inabutan ako ng notebook ni Hans. Pagbukas ko nakita ko na may worda na unti-unting nasusulat.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now