42. Do You Love Him?

31 6 0
                                    

           Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

"Noooo" Gusto ako ni Cyrus? Bakit? Palagi niya akong inaaaway.

"Now I've already got the answer" agad akong napaharap sa nagsasalita sa likod ko.

"Chan" nginitian niya ako.

"Avytia pasensya ka na kung ginugulo ko  ngayon ang emosyon mo"

"Chan..." hindi ako makapagsalita hindi ko alam kung papaano ko sabihin kay Chan na hindi pa ako ready.. ready na magmahal at lalong-lalo na ang mamili... sabagay kung pagpipiliin nila ako mas pipiliin ko si Chan kasi mabait siya. "I'm sorry Chan but I don't have feelings for you until now, tanging pagkakaibigan palang" hindi ko siya tinignan dahil alam kong nasasaktan siya. Kaya lang naman siya siguro nandito para alamin niya kung may feelings ako kay Cyrus. "Don't worry I don't have feelings to Cyrus too"

"Are you sure?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Wala ba talaga akong feelings sa kanya?

"W-Wala!"

"Its okay you can love him" hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Ganun na lang ba yun basta-basta nalang niya ako ipaparaya dahil kaibigan lang niya yung magiging karibal niya. "Actually, I don't have feeling towards you.... Niligawan lang kita para mapaamin ko si Cy na mahal ka niya..." napayuko siya "May karapatan kang saktan ako dahil ginamit lang kita.. sorry"

"Bakit? Bakit mo ginawa to?" Mga ilang minuto bago siya nagsalita.

"Avytia matagal na kasing hindi nagpapakatanga si Cy sa isang babae pero simula ng dumating ka nagbago siya yung dating hindi namin makausap nakikipagbiruan na, yung dating hindi nakikibonding sa amin pag may gala sumasama siya kapag nandun ka..." hindi na ko na siya napatapos na magsalita bigla ko nalang siyang nasampal. "Alam kong magagalit ka pero maiintindihan mo rin balang araw"

"Ang alin? Nandito ako para mag-aral hindi magjowa"

"Avytia" hinawakan niya yung dalawang braso ko "Avytia naniniwala ako ikaw ang magiging instrumento para mailabas ni Cyrus ang buo niyang kapangyarihan.. naniniwala ako that his love can bring his full power" umalis na siya at naiwan akong tuliro.

"Oh dear ikaw pala ang gusto ni Cyrus ha" bungad ni Beatrice.

"So anong paki mo layulayuan mo nga itong kaibigan ko" inis na tugon ni Metfy sa kanya.

"Do you think sinusundan ko siya"

"Kung hindi mo siya sinusundan eh bakit nandito ka?"

"Kanina ko pa hinahanap si Tresha di ko siya makita kaya I thought kasama niya si Avytia... tsst I gotta go" inirapan niya kami tsaka umalis.

"Okay ka lang bessy?"

"Oo naman bestfriend"

"Sorry ha di kita masasamahan ngayon may group project pa kaming gagawin eh"

"Okay lang maglalakad-lakad muna ako sa CS hanapin ko doon si Shena" naglaho na siya at ganun din ako... naglakad syempre wala naman akong kakayahang maglaho.

Medyo malayo ang College of Smaragdus may nadadaanan pa kasi akong forest. Pero ang ganda ng pagkakaayos ha nakaaline lahat ng puno. 4:00 pm na wala ng ibang student na naggagala dito sa palibot ng College na ito.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero  napatigil ako nung may marinig akong kaluskos. May sumusunod sa akin. Nagpatuloy lang ako ulit pero nung napagtanto kong sinusundan talaga ako nagtago ako dito sa isang puno.

CHOSEN: The Goddess' ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon