47. They Know Him

28 5 0
                                    

           Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

Palabas na kami ng admin office. Ang saya ko ngayon kasama ko sila mom and dad.

"Hello Avytia... Hello Tita tito" bati ni Chan nakasalubong namin sila sa hallway.

"Mom Dad they are my boy friends. Chan, Hans, Florian..."

"Florian ibabalik ko libro mo oh" napatigil ako sa pag introduce sa kanila ng biglang sumulpot si Cyrus.

"Ay si Cyrus po Boyfriend niya" biro ni Hans. Biglang lumaki ngiti ni dad.

"Halla No.m He's not!"

"Mana ka talaga sa akin Swetie.. Hi my son in law"

"Mom hindi io siya Boyfriend. Kaibigan ko lang siya!" Pag didiin ko. Ito kasi si Hans eh. Oops bakit ko ba diniinan. Napatingin siya ng deretso sa akin. Sakto naman naaninagan ng araw yung mga mata niya. Kitang-Kita ko yung dark blue eyes niya. Tsaka siya tumalikod.

"Wait" hinawakan ni daddy yung balikat niya "Anak ka ba ni David?" Ano tong tinatanong ni daddy. Napaharap tuloy si Cyrus sa kanya.

"Yes po"

"Really ikaw na si Cy yung baby na hinihiram namin noon" -Mommy

"Kilala niyo po ako?"

"Oo ikaw yung hinihiram namin kay kumare nung baby ka pa. Pinagbubuntis ko pa noon si Avytia at pinaglilihian ko kasi yung mata mo kaya hinihiram ka namin kila mommy mo" seriously mommy pinaglihian mo siya sa akin? Bakit di blue yung mata ko

"Naku ang laki mo na alam mo bang ayaw ka ng ibalik ni tita mo noon?" -Daddy

"Haha ako ba honey?"

"Haha eh gusto ko kasi lalaki na anak kaya gusto ko siya palaging nasa bahay"

"A ehm tita tito mauna na po kami" paalam ni Chan.

"Ah aalis na kayo sayang naman kakain pa sana tayo" pagyaya ni mommy "aalis ka na ba Cy?

"Naku tita wala po yung klase ngayon free siya" pagpapaliwanag ni Chan. Na suya namang tatanggihan ni Cyrus pero nilakihan lang siya ng mata nito

"Tama po yun tita" singit naman ni Hans.

"Ganun ba siya sama ka muna sa amin sa resto madami pa akong ikwekwento sayo."

Yung feeling na ako yung anak nila pero si Cyrus lang pinapansin nila.

"Ang laki mo na at ang gwapo hindi pogi pala..." mommy talaga oh

"Iho my girlfriend ka na ba?" Seryosong tanong ni daddy. Nasuka ko tuloy yu g iniinom ko.

"Ah eh wala pa po tito"

"Ganun ba. Avytia single ka pa naman diba"

"Dad!" Inirapan ko lang siya.

"Swetie paano ba kayo nagkakilala ni baby ko?"

"Mom!" Wala na akong magawa kundi pakinggang silang dada ng dada. Akala ko ba ayaw nilang mag jowa ako bakit pagdating sa lalaking to botong boto sila.

Binukasan ko nalang yung notes ko at nag basa.

"Cy hindi pa kasi nagkakajowa itong anak ko. Alam ko naman na mapapabuti siya sayo. Kung pwede ko lang magikin na mahalin mo siya gagawin ko na"

"Dad!!!" Kanina pa umuusok itong ilong ko di ko na nakayanan.

"Oh bakit. Ayaw mo ba si Cyrus. Gwapo siya, matalino, at mabait ba... hindi mo ba siya natitipuan?" Napatigil ako dun ah di ko ba siya talaga natitipuan?

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now