79. Lightning Vs Fire

27 0 0
                                    

🌱Shena P.O.V🌷
○°~🍃🌹🍃~°○

"Kailangan na natin lumikas dito" sambit ni Fharia Jesya. Alam ko na iyon ang sasabihin niya sa amin. Nagbulong-bulungan ang iba.

"Ngunit saan po tayo tutungo mahal na Fharia?" Tanong ng isang magulang.

"Fharia Jesya hindi na po ligtas yung isa pang nahanap nating matataguan dahil binabantayan na ito ng mga kaaway" ika ni Sir Mike.

"Maaari tayong magtago sa aming kuta" sambit ng aking ama. Agaran kaming sumunod sa aking amang hari.

...

Nasa hilagang parte kami ng aming lupain.Tumabi ako sa aking ama at laking gulat ko nang lumuhod ang mga esmera sa akin.

"Nagagalak kaming makita ka muli Fharia Shena" bati nila sa akin. Medyo nahihiya ako na mapuri. Hindi kasi ako lumaki bilang prinsesa ng kaharian namin.

"May ganitong lupain pala ang Smaragdus Rama" saad ni Fharia Jesya. Dito kasi sa hilagang parte ng Smaragdus ay bulubundukin.

"Siyang tunay mahal na Fharia" sagot ng aking ama.

"Nakalimutan ko man nung una pero hindi na ngayon... Shena, Cyrus, Metfy at Xygen pumanhik kayo dito" tawag niya sa amin. "Maghawak-hawak kamay kayo at lumikha kayo ng pananggala sa lugar na ito upang walang sinuman ang makakapasok na kaaway" utos niya sa amin.

Si Cyrus ang nagsimulang mag cast ng spell. "Mula sa aking kapangyarihan inuutusan kitang protektahan ang lugar na ito. Sinuman sa kaaway ang magtangkang pumasok ay masisindak at matatakot sa iyong taglay."

"Mula sa aking kapangyarihan inuutusan kitang protektahan ang lugar na ito upang walang anumang kapangyarihan o armas ang makakapanira at makakapasok sa lugar na ito" -Metfy

"Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan inuutusan kitang palibutan ang lugar na ito ng matitinik at nakakalasong halaman ang lugar na ito" utos ko naman.

"At sa taglay ng aking kapangyarihan ikukubli ng hangin ang lugar na ito upang hindi makita at mahanap ang lugar na ito" sambit ni Xygen.

Pagkasabi namin lahat ng spell namin ay agad na may lumabas na nakakasilaw na ilaw sa mga kamay namin at pumaitaas ito sa alapaap. Unang binalutan ng nakakamatay na kiglat ang buong palibot ng lugar, hindi man siya makita pero umilaw ito ng may ibon na nagtatangkang pumasok.

"Uwak...palagay ko alaga ito ni Cehily" saad ni Fharia Jesya.

Pagkatapos ng kapangyarihan kiglat ay agad na may lumabas na tubig mula sa lupa at bumalibot ito sa paligid. Sumunod naman ang malakas na paggalaw ng lupa na ikinatumba ng karamihan. Nagsitaasan ang mga halaman na may tinik sa buong palibot ng lugar at sa huli napalibutan ng makapal na hamog. Para kaming nasa loob ng kalangitan.

Nagsihiyawan ang mga kasamahan namin. Manghang-mangha sila sa kanilang nakita.

Cyrus P.O.V
~°○[⚡]○°~

I am staring up into the cloudy night sky. While sitting into this tree stump, the wind slowly blowing my hair. My ears are getting a relax massage in the sounds of those crickets in the dark.

"Hi son!" Uncle Kevin greeted and he laid his hands on my shoulder.

"S-Son?" I look at him confusedly and shyly.

"Ah yeah Son hehe... Can I?"

"Yes... but why?"

"Because you're my sweetheart crush" I can't stop my cheeks on blushing.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now