74. Secret Investigation

17 0 0
                                    

🌱Shena P.O.V🦉
○°~🍃🌹🍃~°○

Sabado ngayon kaya napagpasyahan ni Sir Mike na si Cyrus muna ang mag-eensayo kay Avytia. Baka daw nahihirapan siya sa Earth Element. 

Nagpaalam muna ako saglit kay Sir Mike. Magpapalit muna ako ng damit total wala naman na akong gagawin dahil pinapanood lang namin silang nag-eensayo.

Naabutan ko sa daan sila Chan. Mukhang may masamang nangyayari kay Florian. Nagteleport ako papalapit sa kanila. Inupo nila si Florian sa bench.

"What happen?" Tanong ko tsaka nila ako napansin na nakatayo ako sa tabi nila.

"We suppose to bring him in the clinic kaso ayaw niya" -Chan

"Kaya dinala nalang namin dito" ika naman ni Hans. Nagkatinginan sila ni Chan na para bang may pinag-uusapan sila

"It's okay we can trust her" saad ni Chan. Naguguluhan ako sa tinatakbo ng isipan nila. Muli ako napatingin kay Florian na walang malay. Ilang saglit lang bigla akong hinawakan ni Hans at humawak siya kila Chan na nakahawak din kay Florian.

"Anong ginagawa niyo?" Hindi ako mapakali sa pinagkakagawa nila. Napatingin ako sa paligid. Pinagmasdan ko kung may nakakakita ba sa amin pero wala. Nagulat nalang ako nang mapansin na parang tumigil ang paghampas ng hangin sa mga puno't halaman. Pati yung boteng nililipad ng hangin ay tumigil. Every thing freeze except the four of us.

Binitiwan na ako ni Hans. Ilang sandali lang may maitim na usok ang lumabas kay Florian.

"Avisala aking panginoon" isang tinig ang aming narinig mula sa usok. Nagkaroon na rin ng malay si Florian pagkatapos bumati ang usok. "Sino sila panginoon?"

"Mga kaibigan ko sila. Huwag kang mag-aalala mapagkakatiwalaan natin sila" saad ni Florian dito. "Anong kailangan mo at bakit ka nagpakita?" Tanong nito sa usok na tila kinakabahan sa anumang sasabihin nito.

"Alam kong ako ang pinakaayaw mong makita pero wala kang magagawa sapagkat ako ang diwa ng masamang hinaharap ng iyong kapangyarihan..." tahimik lang kami. Ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong kakayahan. Ang makita ang diwa ng kapangyarihan ng isang elemento gaya ni Florian. "Maghanda kayo! Sapagkat anumang oras ay mangyayari na ang nakatakda ngunit binago ito ng kasalukuyan. Ang kadiliman ay tuluyang maghahari. Ang mundo ng katahimikan ay mayayanig ng katapusan. Sapagkat kapalaran niya'y nagsara."

"Anong ibig mong ipahiwatig?!" Nanginginig na tanong ni Florian.

"May paraan pa ba para ito'y pigilan?" Tanong din ni Chan.

"Ang nakatakda ay nakatakda. Nag-iba man ang daloy nito ay ganoon pa man darating at darating ang hangganan. Hindi ko na nakikita ang kasunod nito sapagkat ito na ang katapusan na ang aking sinasambit"

"Kung iyon na nga ang katapusan. Hindi ba ang oras ang magdidikta nang mangyayari?" Ika ni Hans

"Tama ka. Ngunit nalalapit na itong mangyari. Binago na ito ng oras ng kasalukuyan at ang oras ay patuloy na tinatakbo ang kapalarang ito. Ngunit nasa inyo ang pagpapasya. Buhay kapalit ng hinaharap o hinaharap kapalit ng buhay. Ano ang inyong pipiliin?"

"Teka!" Magsasalita pa sana si Florian kaso naglaho na ito. Tulala pa rin ako sa aking nasaksihan. Nakakalito at nakakapangilabot.

"Florian?" Tawag ni Chan.

"Wala na akong magagawa pa. Hindi ko kontrol ang hinaharap isa lamang akong gabay nito gaya niyo" malungkot na saad ni Florian.

Humakbang si Hans "May paraan pa"

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now