75. Failed to Escape

19 0 0
                                    

     Chan P.O.V
~°○🌘⏱☀️○°~

Everything seems following the plan. Tila naging maluwag ang mga plano namin sa naganap na kaguluhan kanina. Our Headmistress and Faculties are busy tonight. Lahat sila ay nasa Judicial hall. Kinikilatis nila kung sino ang nagsasabi ng totoo. Alam kung magagawan ng paraan ni Shena na patunayang siya ang nagsasabi ng totoo.

Maingat kaming tumakas palabas ng Dormitory. 9pm palang kaya hindi pa kami makukulong sa unit namin dahil hindi pa curfew.

"Ang lamig!" reklamo ni Hans.

"Wala ka na bang ibibilis sa paglalakad Hans" naiinip na sabi ni Florian. Natatabunan kasi ng makapal na yebe ang buong paligid at bawat hakbang namin ay lumulubog kami.

"Huwag kayong maingay baka marinig tayo ng mga guard" sita ko sa kanila.

Nakatago kami ngayon sa malaking puno. "Ano Florian may mga guard ba?" Tanong ko sa kanya. Siya lang kasi may hawak ng telescope.

"Nakapagtataka tila walang guard na nakabantay" sambit niya. Inagaw naman ni Hans yung telescope.

"Oo nga noh" sambit niya. Nakapatay din ang ilaw sa lighthouse.

"Wala na tayong panahon tara...kailangan mo ng makalabas Hans" dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa lighthouse para kunin ang susi ng lagusan. Sana naiwan ng mga guard yung susi.

Mabilis lang kaming nakapasok. "Bilisan niyong maghanap" nainiip na utos ni Florian. Siya kasi ang tagasilip kung may papalapit na guard.

"There you are!" Nakangising sambit ni Hans habang nilalahad sa amin ang susi.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Takti! Nasan si Florian?" Naiinis na sambit ni Hans.

"Ah!" Nagulat nalang kami ng biglang nahulog si Florian at sinabuyan ng pampatulog yung guard.

"Akala ko iniwan mo na kami" -Hans

"Tsst!"

"Lumabas na tayo dito baka may dumating pang guard" ika ko. Inupo muna ni Florian yung guard sa upuan para di halatang pinatulog ito.

Mabilis kaming nakalabas at nandito na kami sa tapat ng lagusan. Para itong malaking ring.

"Sino nakakaalam kung papaano paganain?" Tanong ko sa kanila.

"Ganito lang dro" inagaw sa akin ni Hans yung susi.

"Open sesame" binatukan ko siya.

"Tsst"

"Aray ang sakit ah!" Reklamo niya.

"Ako na nga!" Kinuha ni Florian ang susi. Tsaka ito tinapat sa lagusan "Asnamon voya....."

"Magsitigil kayo!" Isang malakas na boses ang nagpalingon sa amin.

"Shit!" Gulat kong sabi

"Si Fharia Je..." -Hans

Sabay-sabay kaming napalingon sa kanila. Kasama niya din pala si Mang Tanyo na nakangiti sa akin.

"Kayong tatlo sumama kayo sa amin!" Maotoridad na utos sa amin ni Fharia Jesya.

Hinawakan kami ni Fharia Jesya at sabay-sabay kaming naglaho.

Bumungad sa amin ang malakas na debatihan sa buong hall napatigil lamang sila ng makita kami. Magkatapat na nakaupo sa gitna sila Shena, Metfy at Avytia. Inutusan kami ni Fharia Jesya na umupo doon. Umupo naman kami sa tabi ni Shena na kinagulat ng mga guro. Nagsimula na naman ang  bulong-bulungan nila.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now