87. Finding Avytia

24 1 0
                                    

      Chan P.O.V
~°○🌘⏱☀️○°~

Nang makapasok na sila tita Beth sa loob dala ang sanggol na si Saver ay kusa akong hinigop ng Time portal pabalik sa mismong araw na magaganap ang digmaan na nangyari lang kanina.

Pagka hulog sa akin ng time portal ay medyo nahilo-hilo pa ako dahil biglaan niya akong hinigop kanina kahit hindi ko ito pinapalabas. Muntik na akong matumba patalikod mabuti nalang at nakasandal ako.

"Pashnea!"

"Ouch!" May kung anong sumigaw sa likuran ko at tinulak ako paharap. Natapilok tuloy ako.

"Sino ka?" Hindi palang ako nakakabangon may espada ng nakatutok sa mukha ko. Pagtingin ko sa nag mamay-ari nito ay si Saver pala.

"Ako si Chan" saad ko sa kanya. Halata sa mukha niya na hindi niya ako matandaan. Hindi nga talaga dahil binura ni Bathaluman Desna ang alaala nila tungkol sa akin.

Tamang-tama siya ang kailangan ko para sabihin ang natuklasan ko at upang magising siya sa katotohanan na kami ang tunay niyang kakampi at hindi si Emerton at kailangan niya ding malaman na si Avytia ang tunay niyang ina yun lang dahil di ko alam kung muli bang napanganak ang ama niya o hindi.

"Saver!" Nagagalak kong sambit. Napatayo naman ako at hinawakan ang magkabilaan niyang braso. Para naman siyang natuod sa reaksyon ko. "Glad to see you here!... may kailangan kang malaman. Hindi si Emerton ang tunay mong magulang kundi si Oxmenthy si Avytia"

"Pashnea! Lapastangan! Isa kang sinungaling!" Nagstep backward siya at tinutukan niya ulit ako ng espada niya.

"I can prove it" sabay taas ng kamay ko.

"How?"

"Just look in my eyes" utos ko sa kanya.

"I don't trust you" suplado niyang sagot.

"Saver hindi ito ang panahon para maglinlangan tayo. Nandito ako sa panahong ito upang baguhin ang nagaganap sa hinaharap sa kapanahunan ko. Tuluyan ng nagwagi ang ama-amahan mo at sa hindi inaasaahang pagkakataon ay unti-unting nawawasak ang Elementia or in other words nagugunaw  na ang Elementia...kataposan na ng sangkatauhan. Kailangan na nating magmadali dahil anumang oras ay hindi na kakayanin ni Hans na patigilin ang oras sa panahon namin." saad ko sa kanya. Medyo nahimasmasan naman siya sa sinabi ko at binaba yung espada niya. "Tumingin ka sa akin"

"Kapag nililinlang mo ako gagawin kitang abo"

"Wala akong kakayahan manglinlang dahil Diamas ako hindi Alefire" biro ko sa kanya pero hindi naman siya mabiro magtatangka ulit na tutukan ako ng espada niya.

"Joke lang. Tumingin ka na sa mata ko at ipapakita ko yung panahon na pinatapon ka sa kapanganakan namin" saad ko sinunod naman niya ako.

Nagkatitigan kami at gaya ng kadalasang nangyayari kapag ginagawa ko ito kay nag frefreeze ang mga katawan namin. Pinakita ko lahat sa kanya simula nung pinatapon siya at sa nangyari kanina matapos ang digmaan. Siya mismo kumawala ng makita niya yung nakakapangilabot na hukom.

Halos maghabol siya ng kanyang hininga ng matapos iyon.

"Hindi iyon totoo!" Pagtangi niya.

"Kung hindi yun totoo. Patayin mo ako pero ito lang ang masasabi ko kung hindi ka tutulong sa akin ay mangyayari ulit iyon at wala na tayong pag-asa pang mabuhay  lahat. Limitado na ang ating oras nasa Lapisazuli na sila Fharia Jesya at ang mga Chosen naghahanda sa digmaan. Kung hindi ko mahahanap si Avytia ang iyong ina ay katapusan na natin" saad ko sa kanya. Mukhang nakumbinse ko naman siya.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now