82. Getting Back The Throne

17 1 0
                                    

🌱Shena P.O.V🦁
○°~🍃🌹🍃~°○

Pagsabit ng bukang diwayway. Nag-umpisa na kaming kumilos para sa digmaan. Isa isa namin teneleport lahat ng kasama namin na lulusob sa aming kaharian. Nag-umpisa ng gumayak sila Fharia Jesya patungo sa kaharian ng Lapisazuli. Nakalokasyon ito sa matataas at matatarik na kabundukan at mas malapit ito sa kaharian ng Adamas.

Nakaplano na ang lahat magpapakita lamang sila Fharia Jesya pero hindi muna makikipagdigma hihintayin nila kami sa eksaktong oras.

        Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

Binalutan ko ng pananggalang tubig ang kinakatayuan namin ngayon. Kahit hindi namin alam ang nagbabadyang trap nila Emerton ay nakahanda kami. Inutusan ni Sir Mike ang isa sa mga ibon para ipadala ang sulat para sa pagbibigay hudyat sa laban.

Unang nagpakita sa amin si Fharia Cehily. Nakasuot siya ng royal gown. Blood red ang kulay nito. Nababagay sa kagandahan niyang panlabas.

"Avisala nagtatapang-tapangan kong apwe" pang-aasar nito kay Fharia Jesya. Nagsimula namang tapatan ng mga armas ang mga kasamahan namin pero pinigilan sila ni Fharia Jesya.

"Ngayon ka masindak aking kapatid. Sabihin mo sa ating panganay na kapatid na maghanda na sa ating nalalapit na laban. Bibigyan ko lamang kayo hanggang sa paglubog ng araw para tawagin lahat ng inyong kakampi"

"Heh! ikaw pa ang may tapang na bigyan kami ng oras" pagtataray nito.

"Oh sige para naman makapagpahinga kayo sa hinaba ng inyong nilakbay. Para naman patas itong laban mamaya. Makakaasa ka ipaparating ko ito kay Emerton at maghahanda kami para sa hinihiling mong labanan. Titipunin namin lahat ng mamamayan ng bawat kaharian para labanan kayo"

"Take your time" pang-iinis ni Fharia Jesya. Napangiti naman ako. Ngayon lang nagmukhang maangas si Fharia Jesya.

Naasar naman si Fharia Cehily. Hinawakan niya muna yung laylayan ng gown niya tsaka tumalikod. Sumakay ito sa isang pegasus.

🌱Shena P.O.V🦁
○°~🍃🌹🍃~°○

"Bago tayo magpakita hayaan muna niyo akong balutan ng kuryente ang buong paligid ng kaharian upang walang makapasok at makalabas" sambit ni Cyrus. Naglabas siya ng malaking enerhiya para balutan ang buong kaharian.

"Rama nasa loob po ng kaharian si Fhario Mesno" balita ng isang espiya namin.

"Tamang-tama" nagagalak na reaksyon ng aking ama.

~°🍃○》Naku mapapahaba na naman yata itong kabanatang ito.🤭

"Akong bahala sa mga preso" sabi ko.

"Ako sa kaliwang bahagi" ika ni Cyrus

"Ako naman sa kanan" ika ng aking Inang Reyna.

"At ako sa trono" matapang na sambit ng aking ama. Nagtungo na kami. Mabilisan kaming kumilos.

Agad akong naglaho kasama ng ibang mga estudyante. Pati si Ron 🤦‍♀️ kumapit pala siya sa akin kanina.

Paglaho namin ay may kawal na nakatunog. Pashnea! Mabuti malang at mabilis ko itong napatulog. "Mahina" bulong ko. May dumating pa at binatukan lamang ni Ron yung kawal.

"Mas mahina" biro nito. Inirapan ko lang siya.

"Shena everything is well lock"

"Ang hirap sirain" saad ng mga kasama natin. Natataranta na sila. May naririnig kaming mga kawal na tumatakbo papunta dito sa kulungan.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now