59. The Chosen's Training

28 5 0
                                    

Metfy P. O. V
~💦>>°○❄○°<<💦~

"Apwe Avtytia nais kong maghanda ng malaking celebrasyon para sayo at kay Shena"

"Sana po hindi niya mamasahin Fharia Jesya masasayang lang po ang panahon natin para sa bagay na iyan. Gusto ko sanang mag-ensayo para maging handa na ako sa ating pagbabalik sa Elementia" response ni Avytia kay Fharia

"Ako din po Fharia sa totoo lang mahiyain po ako at hindi sanay sa mga party" ika naman ni Shena.

"Inirerespeto ko ang inyong kahilingan kaya maghanda kayo mga napili at aking Apwe dahil kaysa sa malaking handaan ay ihahanda ninyo ang mga sarili ninyo dahil aatasan ko na si Mang Tanyo at kasama pa ng ibang mga Faculty para sa matinding pag-eensayo. Sa ngayon ay ibibigay ko ang araw na ito para magpahinga... maaari na kayong umalis"

Ohmygosh M A T I N D I N G P A G - E E N S A Y O as in to the highest level na! Nakangabga lang akong lumabas kasama sila Shena. Kakayanin kaya ng beauty ko yung training na yun? Huhu ayoko pa naman mag ka muscle.

"Pag ngumanga wala ng bukas" sambit ni Shena pagkaharap niya sa akin sabay may shinot sa bunganga ko.

"SHENA!" Ayon hinahabol ko siya ngayon. Sa inis ko natulak ko si Xygen at nadapa siya.

...

"Estasectu!" Utos ni Mang Tanyo... kimakabahan na ako. Naktindig siya na parang commander ng militar. Nakarayo lang sa likuran niya si Sir Mike at Sir Aris. "Ngayon natin masusubukan kung hanggang saan lang ba ang makakaya ninyo..." tumingin siya sa akin at biglang tumindig ang mga balahibo ko. "Dahil wala si Saver walang makakatapat ang tubig.... mmmh Metfy gusto kong makatapat mo si Xygen at kayo naman Shena at Cyrus ang magkakatapatan.. ikaw Avytia umupo ka muna doon sa upuan namin kailangan ko pang sanayin ang mga Chosen bago ka namin sanayin."

Buti pa si Avytia nakaligtas... huhu papano to. Tumingin ako kay Xygen at nag pacute nalang ako.

"Huwag niyong lalaurin ang pagsasanay na ito at huwag kayong maaawa sa makakatungali ninyo. Sa ngayon isipin ninyo ang isa't isa bilqng kaaway... kung sinuman ang makitaan ko ng awa.... tatayo sa gitna ng arena na kung saan tirik na tirik ang araw at nakaluhod sa mga malalaking monggo tapos nakapatong sa ulo ang isang timba na may laman na mabaho at maduming tubig." Huhu yak! Mukhang seryoso siya sa pagkakasabi niya kaya naman muli kong tinignan si Xygen ng sobrang samang tingin na kinatawa naman niya.

"Mauna muna kayo Metfy at Xygen" natigil ang paghinga ko ng marinig ko ang napakaganda kong pangalan.

"K-Kami?"

"Oo" sumbat ni Mang Tanyo. Naglakad na sila papunta sa upuan. Ano to sabong...Ibon na ginto vs asul na isda?

"Metfy can we do it without using a weapon?" Pakiusap ni Xygen

"Okay"

"Wag kang matatakot na kalabanin ako ha ayoko ng mahinhin" seryoso niyang sabi.

"I'm not mahinhin"

"Oos"

"Hindi nga!" Sa inis ko agad akong naglabas ng tubig sa kamay ko at itinira sa kanya pero agaran naman niyang tinapatan ito ng hangin.

"Nice one Metfy.. but is that all?" Nakakainis ang yabang niya

"Aba ang yabang mo ah" habang magkatapat yung powers namin ay umikot ako ng mabilis at pumapalibot ngayon itong tubig sa akin at mabilis kong ginawang ice na matitinik. "Ano!" Nag smirk lang siya at umikot din. Nakalikha siya ng napakalakas ipo-ipo.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now