17. The Dragon

61 14 0
                                    

           Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

Nandito kami ngayon sa laboratory ng chemistry namin ngayon. Ang daming tinuro sa aming chemicals baka pati love-potion maturo pa. Medyo nakakahilo ang amoy dito sa loob kaya siguro nahihilo ako kaya niyuko ko at pag-angat ng ulo ko akalain mo umiikot na itong paningin ko.

"Lumilindol" ay lumilindol pala.

'Evacuate this area immediately!'

Announce ng speaker sa building kaya agad naman kaming nagcover ng head at lumabas papunta sa EA's park. Nasa field na kaming lahat ng bigla nalang kaming nagsiwatak-watak ng mahulog sa gitna namin ang glass barrier nabasag na naman. Pagdungaw namin sa taas may napasigaw ng...

"A dragon..may mga dragon"

'Student protect yourselves and the campus, use your powers now!' announce ulit ng speaker yung iba nakaready na nagsilabasan sila ng mga weapons pero kaming mga first year wala pa kaya karamihan sa amin powers lang ang panglaban at heto naman ako nagtatago sa likuran ng monument ng EA ang astig nga ng monument na ito may buntot siya ng sirena kaya nakalutang lang then may pakpak siya tapos yung buhok niya ay parang mga dahon tsaka yung isang kamay nakataas na parang may powers na lumalabas it represent the whole elements at sabi nila si Fharia Oxmenthy daw ito. Back to reality para ako ngayon nanonood ng movie halos di maubos ang mga dragon pero ang mga student na ay natatalo na, yung iba nakahiga nalang sa field.... sa malaayuan nakikita ko si Rose tila naghahanap ng tubig kaso dahil buga ng buga ng apoy ang mga dragon ay wala siyang mahanap naparipas siya ng takbo ng may dragon na nakapasin sa kanya at sa di inaasahan nadapa siya buti nalang at nasabuyan siya ng tubig ng isang Saperyan kaya naman nagsilabasan ang black rose sa head niya at yung...yung itsura niya ay may parang ugat-ugat totoo pala ang sabi niya kapag natatakot siya nagiging black or violet ang rose niya kahit malayo ako nakikita ko ang takot at galit sa mukha niya kaya naman nagpakawala siya ng mga rose kaya yung mga natinikang dragon ay patay sa lason nito. Yung ibang Saperyan naman ay kawawang nagtutulungan na apulahon ang mga apoy sa mga building at yung mga Lazuli student naman ay pinaglalaruan ang mga dragon kaya inis na inis ang mga dragon inaalisan kasi nila ng hangin ang apoy na binubuga nila kaya naman walang maibugan ang mga dragon. Katulad ng Lazuli ang mga Alefire ayon pinaglaruan din hinnihigop nila ang apoy na lumalabas sa dragon pero hindi nila namalayan hinampas sila ng buntot nito kaya naman nagkukumpulan sila sa pader. Mas madami ng student ang nakahiga sa field halos yung mga chosen nalang at yung nga kaibigan ni Cyrus at sila Shena, Metfy at Jake nalang ang natitira.

Si Shena ay sobrang lakas niya akalain mo yung malalaking bato ay binubuhat niya in one hand tsaka niya hihahagis sa nga dragon nalumilipad kaya naman nagsisihulugan ang mga ito.

Sila Metfy at Jake naman ayon fight with romance magkahawak habang umiikot sila pataas dahil sa nakapatong sila sa tubig yung isang kamay nila ay naglalabas ng tubig kaya naman para kang nanonood ng dancing water.

at yung Chosen ng Lazuli ayon halos di mo na mahagilap sa bilis ng paglipad niya may hawak siyang sword at para bang tindero ng meat dahil sa pag chop-chop niya sa mga dragon. Ganoon din ang mga ibang mga chosen halos naglalaro lang sila sa nga pinaggagawa nila kaso parang di nauubos ang mga dragon. Ang dami na nilang napinsala yung nga ibang student nakaawa-awang pagmasdan na nakahiga pero ako wala man lang magawa upang protektahan ang school namin nakaramdam ako ng selfishness kaya naman napag-isipan kong tumayo at tumakbo papunta sa laboratory kailangan kong mag-isip ng potion na makakapatay sa mga dragon

'Bagggs' malas lang dahil may nahulog na dragon sa harapan ko at pagmulat niya ay napakalaking mata kaya naman napaupo ako sa gulat bubugaan na niya ako ng apoy kaya pumikit na lamang ang nagawa ko.... ilang minuto din ang hinihintay kong pagdampi ng apoy sa akin pero walang dumating kaya napamulat ako kung bakit.

CHOSEN: The Goddess' ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon