54. The Rainbow Fairy

33 6 0
                                    

Cyrus P.O.V
~○>>》⚡《<<○~

"Mang Ador kung hindi po ako makakauwi sa amin gusto ko na pong bumalik sa Elementia Academy"

"Haha nakakamangha ka talaga bata. Ang iyong katapangan ay kamangha-mangha"

"May alam po ba kayong paaran para makabalik ako doon?"

"Uhm.... ah meron ngunit hindi ko pa nasusubukan pero rinig ko sa ibang Elemento na nakasubok na nila yun"

"Ano po yun?"

"May isang diwata na nagngangalang Delayla na nakatira doon sa matatarik na bundok"

"At saan naman po yun madami dito sa mundo ng mga tao"

"Matatagpuan ito sa pinakamataas na bundok doon sa Kennon Road"

"Ano naman po magagawa ni Delayla para mabakalik ako sa Elementia academy?"

"Si Delayla ang tagapangasiwa ng klima ng Benguet at tagabantay ng makapangyarihang Bahaghari"

"Rainbow?"

"Ang bagharing yun ay katangi-tangi sapagkat hindi yun lumalabas kapag natatatapos ang ulan lumalabas lang iyon kapag naglalabas si diwatang Delayla ng hamog galing sa ibang dimension. Ang bahagharin yaon ay isang portal na pwede kang makapunta sa lugar na ninanais mong puntahan pero mahirap mong mapapayag ang diwata na magamit iyon dahil kapag nagkamali ka sa pag-iisip ng pupuntahan mo ay maaaring may masamang elemento ang makalabas mula sa ibang dimension na nabuksan mo" hindi ko na siya pinatapos. "Bata san ka pupunta?"

"Magtutungo na po dun" sakto mag-uumaga na ito yung oras na madaming fog na lumalabas.

"Hay mga bata nga naman" naglaho na ako at hinanap yung pinakamalaking bundok sa

Ayon nahanap ko rin. Hindi ako napagod umakyat dahil nag teleport ako hehe syempre ang hirap kaya kapag aakyatin ko to.

Nagtago ako at hihintayin ko yung paglabas ng diwata. Nag-umpisa ng magkafog. Kaya hindi ko makita kung nandito na nga ba siya o wala pa.

Hindi ako nag dala ng jacket. Giniginaw ako huhu.

Mga dalawang minuto may liwanag na unti-unting lumiliwanag na parang araw at nag-iba ang mga kulay nito. Mga kulay ng bahaghari.

Siguro siya na yun. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad para hindi niya ako makita at marinig kung nandito lang si Xygen na kayang maging invisible mas madali sana.

"Diwata!" Pagtawag ko sa kanya. Nabigla yata siya at biglang nawala at nagpakita doon sa mas malayo.

Hinabol-habol ko siya pero napakailap niya. Ang pinagtataka ko lang ay hindi pa siya umaalis. Kaya nag-isip ako ng ibang paraan huhuliin ko nalang siya para hindi na siya maglaho. Nagtago muna ako at mga ilang minuto nagpakita ulit siya.

Heto na ang pagkakataon ko. Hinawakan ko siya sa likod. Huli ka ka ngayon.

Nagulat nalang ako nung sumipa siya palikod at nasagi niya yung ano ko. Ayon nabitawan ko siya at nawala na rin yung Bahaghari. Mission Failed. Bumalik na ako kay Mang Ador.

...

"Oh ano bata hindi ka nakalapit kay Diwatang Delayla tama ba ako?"

"Opo Mang Ador sadyang mailap ang diwata" nginitian niya lang ako tsaka humigop ng kape. "Paano ko po siya mahuhuli?" Tumayo siya sa kinauupuan niya.

"Kahit anong gawin mo bata hindi mo siya mahuhuli.... pero may paraan pa naman?"

"What ever it is gagawin ko"

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now