49. Confession

31 6 0
                                    

     Chan P.O.V
~>)○🌘⏱☀️○(<~

"Dro ready na lahat pati yung potion si Cy nalang kulang" -Florian

"Namessage ko na papunta na siya dito" -Hans

"What's up mga dro.. oh ano to may celebration ba?"

"Its time to play" bulong ko sa dalawa. Ngumisi naman sila.

"Ah ito we're celebrating dahil may bagong shota na si Florian" -Hans

"Huh? Ako?... eh oo tama tara dro. Tara inom muna tayo habang hinihintay natin yung gf ko" ayos kumapit.

Inabutan ko na siya ng iinumin niya. Yung may potion na pangpa disfunction ng katawan niya for 5 mins. Hindi siya makakagalaw pero makakarinig parin siya.

"One knockdown mga dro message niyo na si Avytia" utos ko sa kanila.

"Baka magising na siya mamaya hindi pa dumadating si Avytia." -Hans

"Ano ba for 1 minute darating na yan kaya buhatin na natin si Cy sa clinic"

~°○🌺》after a minute

"Nasan siya?!" Ayon. Ginalingan namin talaga yung pag-acting kahit natatawa na si Hans.

"Sorry Avytia nakita na lang namin siyang bulagta sa Locker... nabiktima siya ni Mystery killer" oh di ba pwede na akong maging artista.

"Bakit... bakit siya pa?..." agad siyang tumakbo at dahan-dahan niyang inalis yung talukbong sa mukha ni Cy. Syempre minake up pan pa namin siya para makatotohanan. "Huy... Mr. Mayabang akala ko ba malakas ka? Gumising ka nga diyan. Huy mahina ka pala eh." Halla umiiyak na siya. "Sorry.. sorry kung hindi ko nasabing mahal na din kita. Kung maibabalik ko lang yung pagkakataon sana umamin na ako noon pa. Uy gumising ka na" pinagsusuntok niya yung dibdib ni Cy.

Ilang sandali lang nagising na si Cy pero binulungan naming wag gagalaw. Buti nakakaintindi siya.

"Huy gumising ka nga diyan. Bakit ang gwapo mo parin kahit nahigop na ni Mystery killer yung powers mo. Bakit ikaw lang yung gwapo sa mga nabiktima."

"Haha syempre ako lang yung gwapo sa lahat" takti biglang nagsalita si mokong. Ang bilis tuloy tumaas yung ulo ni Avytia. Nako namumula. "Ah!"

"Bwesit ka akala ko patay ka na!"

"Haha ano pala yung sinabi mo? Na mahal na mahal mo na din ako? Paki ulit please"

"Suntok gusto mo?" Niyakap nalang siya ni Cy.

"Ah so sweet" biro namin.

"Kayo!" Halla nabaling yung galit niya sa amin.

"Haha peace Ms. Pres" -Florian

"Peace na oh... sorry kung di ka naka prepare. Pangis pa tuloy yung tsinelas mo" -Hans

"Haha" oo nga no.. hay naku Avytia you made our day.

"Ewan ko sa inyo" umalis na siya mula sa pagkakaupo niya sa tiyan ni Cy.

"Teka san ka pupunta love?" Hinawakan ni Cy yung kamay niya.

"Love mo mukha mo!" Agad na umalis si Avytia.

"Haha effective chan" -Hans

"Oo di ba"

"Haha Thanks mga dro, pero bakit ang panget ng make up ko?" Haha syempre ayaw kong makatikim sa kanya kaya tinuro namin si Hans.

CHOSEN: The Goddess' ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon