86. The Infant of Past

13 1 0
                                    

     Chan P.O.V
~°○🌘⏱☀️○°~

Pabalik na ako sa panahon na mag-uumpisa palang ang digmaan.

Napakunot ang noo ko. "Where am I?" Ang pagkakaalala ko nung inawan ko ito ay nagugunaw na ang Elementia pero bakit parang walang nangyaring paggunaw? Parang bakas lang sa bawat lugar ang katatapos na digmaan.

Naisalba kaya ni Fhario Emerton ang paggunaw? O nagkaroon ba ng pagbabago dahil may nagawa ako sa nakaraan na hindi ko napansin? Ang pagkakaalala ko binura ko alaala ng mga nakakita sa akin doon. M-Maliban yata kay Avytia. Shit! Oo nga nalimutan kong burahin yung alaala niya sa akin.

Hindi na ako pwedeng bumalik sa oras na iyon dahil mas lalong mahihirapan kaming tatlo nila Florian sa pagkontrol sa panahon at tsaka wala na kaming oras kung gagawin ko iyon.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may natapak akong bagay. Napatingin ako dito at tinapakan ulit. May umaangat sa buhangin sa tuwing tatapakan ko ito kaya lumuhod ako upang hukayin kung ano man ang natabunan nito.

"Isa palang sulat" base sa itsura nito ay halatang wala ng gumagamit ng de-scroll na papel sa kapanahunan namin. Binuksan ko ito at binasa. Hindi ko masyadong maiintindihan. Nakasulat ito gamit ang makalumang alpabeto ng Elementia. Ngunit pinilit kong isalin sa makabagong alpabeto ito ng mabasa ko ang pangalan ng aming Master.

'Minestro Yinuha,

Ako ito ang bagong Hari ng Adamas at ng buong Elementia. Alam kung hindi ka galing sa panahong ito at alam ko ang iyong pakay sa panahong ito na ngayon ay nasa pangangalaga ko na. Sa ngalan ng aking trono. Inuutusan kitang magtungo dito sa aking trono upang sundin ang aking utos.

Ang bagong Rama,
Rama Emerton

Sa abot ng aking makakaya ay nagawa ko ding isalin ito. Medyo may alam naman ako sa mga makalumang alpabeto namin dahil napag-aralan naman namin noong High school kami.

'Yinuha' ang tunay na pangalan ng aming Master. Naguguluhan lamang ako dahil ang pagkakatanda ko ay galing ng 500 siglo si Master at nang nagtime travel siya ay napunta siya sa panahon namin noong mga bata pa kami.

"Posible kayang nauna siyang nakarating dito at nung nagtangka siyang bumalik sa panahon niya ay tinapon siya ng time machine sa panahon namin?" Ehm....ewan?? Pero kung totoo man ang conclusion ko...Ano kaya ang inutos ni Emerton sa kanya dito sa panahong ito?

Muli kong binasa yung sulat sa kanya. May kasunod pala ito na hindi ko masalin kanina 'Inaasahan ko ang iyong pagpapakita mamayang hating gabi'

Palubog na ang araw at mamaya na magahanap ito. Kailangan kung malaman kung ano ang ipag-uutos sa kanya at kung ano ang pakay ni Master sa panahong ito.

Naghanap ako ng masasakyang panglipad papuntang Adamas at mabuti nalang at may nakausap akong kalahi ni Maro. Madali lang pakiusapan ang isang ito dahil binigyan ko siya ng cologne na sa palagay ko ay mga mahaharlika lang ang mayroon nito sa panahong ito.

...

"Ihahatid lamang kita doon ngunit hindi na kita masasamahan pa kung anuman ang pakay mo roon" saad niya

"Walang problema" bakas sa mukha niya ang takot. Siguro natatakot siya kay Emerton na hari nila ngayon sa panahong ito.

Palihim kaming nagtungo sa Adamas. Dumaan kami sa likod ng palasyo. Medyo mahirap makapasok dahil maraming nakabantay na kawal sa paligid.

Iniwan na ako ng lalaking kabayong yun dito. Hinintay kong mawala yung bantay tsaka binilisang pumasok sa loob ng palasyo. Nakakalito kung saan ako sumusulpot dahil hindi naman ako pamilyar sa mismong palasyo ng lahi namin.

Dahil sa naisip ko ay madali lamang akong nakapasok sa loob ng palasyo. Pinukpok ko lang naman sa ulo yung isang kawal at nakatulog ito. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon na isuot ang unipurme nito.

"Pinapatawad tayo ng Masna (pinuno ng mga kawal) tayo raw ang magbabantay sa labas ng silid ng Rama." Ika ng kawal na ito na basta-bastang sumulpot at kumalabit sakin. Mabuti nalang at hindi niya nakita ang mukha ko. Sa totoo lang hindi pa ako nakakaalis dito sa likod. "Halika na at mamaya lamang ay darating na sila Gero para palitan ka dito" dagdag pa niya. Sumunod lang ako sa kanya habang nakayuko ang ulo. Mabuti nalang at pinukpol ko yung tamang ulo kanina kaya yun napadali yung paghahanap ko sa Emerton na yan.

Mga sampong minuto na kaming nakatayo dito sa labas ng kwarto ni Emerton at dumating na rin ang isang kawal na nanghatid kay Master. Nagulat ako ng makita niya ang aking mukha pero mabuti nalang at hindi niya ako namukahan. Syempre hindi pa niya ako nakikita noon.

Pumasok na siya sa kwarto at nung bumukas yung pinto may narinig akong sanggol na umiiyak. Mabilis nawala yung ingay ng nagsara yung pinto.

Saglit lang ang pag-uusap nila at lumabas na din siya at kasama niya na yung sanggol na natatakpan ng kumot na brown. Ginabayan siya ng kawal na naghatid sa kanya dito kanina. Nagulat ako nung nalihis yung kumot ng sanggol at nakita ko ang Ginintuang orasan na hawak ni Master. Nagboluntaryo yung kawal na buhatin ito kaya binigay niya ito.

Nung nakalayo sila saglit nagpanggap ako na natatae na sa kasama ko kaya pumayag naman "hali bilisan mo baka maabutan ako ni Masna na mag-isang nagbabantay dito" saad niya.

Palihim kong sinundan sila Master. Sumakay sila sa isang kalesa. Kaya sumabit naman ako sa likuran nito at ginalingan ang pagtatago.

Mabilis lang ang biyahe at nagulat ako ng nandito kami ngayon sa kinatitirikan ng Time Machine.

Anong ginagawa nila dito? Anong gagawin nila sa sanggol? Nagtago ako sa isang puno na malapit dito. So kahit dito mukhang bulok na talaga yang Time machine pero nagulat ako nung napagana ito ni Master. May inilabas siya kasing maliit na bote at may inilabas itong bote ng dugo. Hindi kaya dugo ito ng mga Diamas na may kapangyarihan gaya sa amin nila Florian at Hans? So sa panahong ito walang Diamas ang nabubuhay na may kapangyarihan gaya ng sa amin. Kumbaga stock lang ng dugo meron sila. Nasabi ko lang hehe kasi kung meron ngang diamas na may kakayahan gaya ng sa amin sa panahong ito edi sana kasama ngayon nila Master.

Pumasok na siya sa Time machine kasama yung sanggol at iniwan yung kawal. Narinig ko pang inutusan itong iabot yung Ginintuang orasan kapag nakapasok na siya.

Nang tuluyan ng makapasok si Master ay inabot nga ng kawal yung Ginintuang orasan at nung maiabot nito ay unti-unting nag fafade out yung portal. Binilisan kong tumakbo at pumasok doon. Narinig ko pang pinipigilan ako nung kawal pero wala na siyang nawaga nung nagsara na yung portal.

Nasa mundo na kami ng mga mortal. Hindi ko alam kung papaano nagawa ni master yun na makapagtravel sa mundo ng mortal na hindi tumatapak muna sa Elementia.

Parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Ibang-iba yung itsura ng paligid pero pamilyar sa akin yung bahay. Nagtago ako sa bakod ng bahay mabuti nalang at may mga halaman kaya hindi ako kita.

Luminga-linga muna si Master at tsaka pumasok at nilapag yung sanggol sa harapan ng pintuan ng bahay. "Patawarin mo ako anak ni Fharia Oxmenthy at ni Larem. Hanggang sa muli nating pagkikita" sambit nito at tsaka nagdoorbell at mabilis na umalis. Ano y-yung narinig ko anak ni Fharia Oxmenthy at ni Larem? Nagbunga pala ang pagmamahalan nila.

Isang minuto lang nakalipas at lumabas ang kamukha ni tito Ferb at tinawag niya sa loob yung kamukha ni tita Beth...

Teka sila ngayon yun. Si tito Ferb at tita Beth. Ang mga magulang este umampon kay Saver.

Sa tuwa ni tita Beth ay agad niyang binuhat ang sanggol at nahulog yung kumot na bumabalot sa kanya. Nakita ko ng malinaw na may nakatatak na simbolo ng Alefire sa dibdib nito. So sa una palang alam na ni Emerton na isa sa mga Chosen si Saver kaya pinatapon niya ito sa panahon na ipapanganak din ang mga iba pang mga Chosen at ginamit niya si Saver upang espiya at panglaban sa reinkarnasyon ng kanyang ina.

Itutuloy...

CHOSEN: The Goddess' ReturnWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu