27. A Plan

46 10 0
                                    

     Metfy P. O. V
~🔹>>.*❄*.<<🔹~

It was an early when I leave my dorm nagmessage kasi si Cyrus that we will have another meeting again.

Nandito na ako sa office nila kaso wala sila. Umupo muna ako dito sa mahabang couch baka umalis lang sila siguro.....ang tagal naman nila.

...

almost 30 minutes na akong naghihintay dito maybe should I go na. Tumayo muna ako at nagsalamin sa nakahang sa wall. Ang tahimik ng place na 'to kapag wala sila "Wait" bulong ko sa sarili ko "M-May nakatatatayong m-multo sa likuran ko" nakikita ko kasi sa salamin nakatalikod siya at balot ng puting tila. Pagkaharap niya "Bastos!"

"Opps akala ko wala ka pa dito!" gulat na sabi ni Ace sa akin agad niyang tinakpan yung ano niya basta kakatapos pala niyang magshower kaya nakabalot yung bewang niya ng towel. Akala ko pa naman multo sa sobrang puti naman kasi ng lalaking 'to di ko nalata na balat niya yun. Kaya sa gulat ko nung nakita ko yun nasabuyan ko siya ng ice kaya hindi na niya nagawang takpan yun dahil nacover na to ng ice... buti nalang at may ability din siyang mag
patunaw ng yelo.

"Oh huhu akala ko ba kay Tresha mo lang yan ipapakita balang araw" pang-aasar ni Ron kaya naman tinignan siya ng masama ni Ace.
"Don't worry Metfy at least ngayon nakakita ka na kaya kung sakaling ikakasal ka na di ka na magulat hahaha"

"Bastos" sa inis ko kinover ko siya ng ice buong katawan niya at dinagdagan din 'to ni Ace tsaka ako sumunod sa kanya.

Nandito pala sila nasa training room. Ngayon ko lang alam na may training room dito.

"Guys nabibiro lang ako pakitunaw naman to oh please" sigaw ni Ron sa labas pero sinipa lang ni Ace yung pinto kaya hindi na namin siya naririnig.

Nakapalit na rin si Ace kaya naman pala siya naligo kasi nagtraining din siya kanina kasama ng iba pang mga leader. Umupo lang ako dito sa tabi habang pinapanood si Kuya at si Cyrus na naglalaban. Napakalakas nila buti nalang at matibay ang pagkakagawa sa room na to kundi kanina pa to nasira.

Kanina pisikalan ngayon naman tapatan ng kapangyarihan buti nalang at nakapagcover kami nila Ace ng tubig kaya naman hindi kami natamaan sa umpukan nila. Yung tingin ni kuya Saver ay naging laser pero agad naman nakapagteleport si Cyrus kaya hindi siya natamaan. Nasa likod na siya ngayon ni kuya kaya naman paglingon ni kuya ay bigla siyang napatigil ng kuntrolin ni Cyrus ang katawan niya pero agad naman na nahynotize ni kuya siya inutusan niyang sumayaw ito ng parang baliw kaya naman tawa ng tawa si Xygen sa kanilang dalawa kaya naman yung inis nila kuya ay nabaling sa kanya.

"Napapansin mo ba Metfy kung bakit magkaparihas na light ang kapangyarihan ang Alefire at Diamas?" Tanong sa akin ni Ace.

"Hindi bakit ba?" pagtataka ko.

"Sabi ng kwento-kwento noon noong unang nilikha ang Elementia iisa lang ang lahi nila ngunit dahil sa magkakambal na prinsipe nahati ito sa dalawa .. dahil mas naunan ang kakambal niya ay may kapangyarihan ito ng kakaiba sa kanya. Kaya nasa kanya lahat ng attensyon kaya naman labis ang inggit, selos, at galit ng pangalawa kaya naman nagawa niyang higitan at traydorin ang kakambal niya kaya naparusahan siya at hinulog sa ibaba ng Elementia at ni kailan man hindi na siya magiging kalahi ng mga Diamas dahil sa selos, inggit at galit ang naging kapangyarihan niya."

"Ganon ba eh ano naman pinagkaiba ng Diamas at Alefire?" tanong ko ulit medyo nalilito pa kasi ako.

"Ang Diamas kaya niyang kumuntrol ng isip at kontrolin ang panahon pwede niyang patigilin, pabilisin, at patagalin ang oras at ang Alefire  naman kaya niyang padilimin o paliwanagin ang mundo at kaya din niyan painitin ito, at ito pa kaya niya din kontrolin ang isip sa pamamagitan lamang ng hypnotism kung nabalot ng masamang emosyong ang kalaban niya.... ang Diamas matalino at makatarungan kumpara sa Alefire na mapusok at mapanlinlang" pagpapaliwanag niya kailan kaya ulit magiging isa ang Diamas at Alefire kailan kaya mawawala ang parusa sa mga Alefire? Ewan siguro kwentong bayan lang ang impormasyon na sinabi ni Ace sa akin.

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now