91. Epilogue

100 3 3
                                    

Third Person's POV
  ~°🍃》👤《🍃°~

"Bakit ka nandito?... bakit mo pa ako binuhay. Gusto mo ba talaga akong pinapahirapan?"

"Hindi anak. Alam mong ikaw ang pumili ng landas mo."

"Umalis ka na hindi kita kailangan"

"Bago ako umalis dito sa balaak. Nais kong magkaroon ka ng kasagutan sa matagal mo ng hinahanap sa akin. Dahil sa panlilinlang mo kay Medhu at patuloy sa paggawa ng kasamaan ay hindi mo nagawang malaman ito...." ang tinutukoy ni Amang Bathala ay yung panahong naganap ang huling digmaan noong sinabi ni Bathalang Medhu ito.

"Mamaya na kita babalikan Desna, damhin mo muna ang iyong panaginip"

Pinakita ni Amang Bathala ang lahat ng nangyari sa buhay ng kanyang anak at kung sino ito. Isinugo ng Amang Bathala sa pamamagitan ng reinkarnasyon ang anak nito sa Elementia upang tulungan ang itinakda.

"Hindi!...bakit ngayon mo lang sinabi ito?"

"Hindi iyan ang una kong plano para sa iyong anak. Noong araw na kinuha ko siya sayo ay binigyan ko siya ng pagkakataong maging ganap na Bathala. Nakaplano na lahat para sa kanyang pagsasanay pero na bago ang lahat ng pinabagsak at inagawan mo ng kapangyarihan si Medhu. Kaya sa bisa ng isinumpa kong may ipapanganak na bagong Bathaluman na siyang kikitil ng iyong buhay ay isinugo ko ang iyong anak upang tulungan siya. Ipinagkaloob ko sa kanya ang kapangyarihan ng kiglat at ngayon tinatahak ng iyong anak ang huli niyang misyon. Ang tulungan ulit ang bagong Bathaluman sa kanyang bagong misyon at kung magtagumpay sila. Aalisin ko na sa kanya ang dugong mortal na dumadaloy sa kanya upang tuluyan na siyang maging Bathala."

"Pinapatawad na kita sa lahat ng iyong kasalanan. Ngunit kailangan mong pagbayaran lahat ng kasalanan nagawa mo at sana hindi ka ulit maging sangkap ng kasakiman at paghihirap sa misyon ng iyong anak... paalam anak"

           Avytia P.O.V
~>○⚡|💨|🔥|💦|🌱○<~

**clock is ringing🎶

"Sweetie tanghali na! Gumising ka na dahil maya't-maya darating na ang inyong school bus.

"5 minutes pa po"

"No!"

"Ya! Coming!" Agad akong napamulat. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng silid.
"What's happening? Why I'm on my  bedroom?"

Hindi ito Maaari kailangan ako ni Cyrus. Agad akong tumayo at nagsimulang lumabas ng kwarto.

"Sweetie... I knew you're in a hurry pero magbihis ka naman bago ka kumain at pumasok"

"Mommy. Anong pinagsasabi mo? Hindi na ako nag-aaral dito."

"Anong pinagsasabi mo Sweetie? Tulog ka pa ba? Nilalagnat ka ba?" Tinabing ko ang kamay niya sa noo ko.

"Mommy hindi po ako nananaginip  ng gising"

**🚃 the school bus is beeping

"Oooh nandiyan na yung school bus mo." Hinila niya ako at minadaling magbihis. Tapos hinila niya ako at tinulak papasok ng bus.

"Mommy. Hindi na ako nag-aaral dito!" Lalabas sana ako kaso sinara na ni manong driver yung pinto.

Wala na akong nagawa kundi magbuntong hininga. Nakikita ko pa si Mommy na kumakaway.

Humarap na lamang ako sa mga estudyante dito at naghanap ng mauupuan. Alam ko na weweirduhan sa akin lahat at tipong ako din. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Nandito na nga kami sa dati kong pinapasukan. Dito sa mundo ng mga tao.

"Ano ba talagang nangyayari?"

CHOSEN: The Goddess' ReturnWhere stories live. Discover now