Tubig. Lupa. Apoy. Hangin. Noong unang panahon, payapang namumuhay ang apat na nasyon, ngunit nagbago ang lahat nang lumusob ang fire nation.
Napapikit ako at dinama ang nakakaantig na linyahan. Masyadong tagos sa puso. Ako ang tubig, na nagnanais mapalapit sa lupa pero dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, inanod ako ng isang malakas na hangin sa hindi ko malamang direksyon. Payapa lamang at masaya noon, hanggang sa dumating ang apoy at nagkagulo ang lahat.
Akala ko noong una, madali lang ang umibig. Siyempre magmamahal ka lang naman 'di ba? Ano ang mahirap do'n? Lalo na kung magkakilala na kayo or mas mabuting sabihin na naging magkaibigan na rin kayo.
Pero nagkakamali pala ako. Ang dami palang kailangan i-konsidera. Mula sa pagkakaibigan niyo, ang sitwasyon na kinakalagyan niyo, ang mga taong maaaring maapektuhan, at higit sa lahat, ang puso niyong maaaring malito kung ano nga ba ang isinisigaw nito.
Akala ko rin noong una, hinding-hindi mapapalitan o magbabago kung ano ang tinitibok ng puso ko. Pero sino nga ba ang mag aakala na pipihit pala ang daanan ng puso ko patungo sa ibang lugar? Jusko, naging baliw ako sa daanang tinatahak ko tapos mapagtatanto ko palang niliko na ako nito.
Hindi sapat ang salitang gusto kita o mahal kita. Hindi sa bawat oras o pagkakataon sa buhay naipaglalaban ang pagmamahalan. Sa mga libro lang 'yon nangyayari. Sa mga palabas lamang nakikita.
"Anda, sabay na tayo!" napalingon ako kay Sara na co-teacher ko.
"Bilisan mo at ipapabalat ko pa sa iyo ang mga patatas!" wika ko nang maiayos ko na ang gamit ko at sinukbit ang bag sa balikat ko.
"Balita ko may gusto sa iyo si Joseph ah?" ani Sara habang naglalakad kami sa pasilyo at may iilan na estudyante ang bumabati sa amin. Tanging ngiti at tango ang isinasagot namin.
"Girl, ako pa ba huhuli sa balita?" inirapan ko siya.
"Tsk. Yabang ah!"
Nang makalabas sa eskwelahan, naramdaman ko na muli ang sarili ko na walang pang-aalinlangan. Ganito palagi ang senaryo sa akin. Sa loob ng school, kailangan kong maging pormal para sa mga estudyante. Pero sa labas, nararamdaman ko na ang pagiging malaya kong muli, though I still need to be careful.
Habang naghihintay kami ng jeep ni Sara, napatingala ako sa langit. Nauupos na ng kulay kahel ang kulay asul sa kalangitan. I can't enjoy the view because of electric wires and some high buildings. Masyado ring natatakpan ng maruming usok ang paligid. Ibang-iba ito sa Alcantara. Masyadong magulo, maingay at sa totoo lang... malungkot.
"Oo nga pala, Anda, go ka ba sa Sabado?" putol ni Sara sa akin.
"Saan ba tayo?"
"Sa BGC. Malayong-malayo, para safe!" aniya.
I smirked. "Sure!"
Siguro nga ay masyadong masamang impluwensya ang Manila. Pagkarating namin dito ni Isha, natuto na ako magparty pag may oras. Pero siyempre, we're discreet about this. Hindi na masama na rito ko ibuhos ang stress sa trabaho.
Pagkauwi ko sa apartment namin ni Isha, ako pa lang ang naririto. Siguro ay kumain na naman sila ni Javier! Tsk. Eh 'di ikaw na Isha! Pero masaya ako sa kaibigan ko.
Dahil sa pagod ay agad akong bumagsak sa kama at tumitig sa kisame. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan aliwin ang sarili. Halos nauumay lang ako sa nakikita ko sa Facebook kaya sinubukan ko naman buksan ang Instagram.
Habang panay next lang ako ng story, napatigil ako nang makita ko ang picture ni Jared na nakahilig sa itim na sofa, nakapikit at pakiramdam ko ay lasing.

YOU ARE READING
When the Two Collide (Numero Serye #DOS)
RomanceNumero Serye #2 Miranda Eduardo, ang daldalera at usisera sa buhay ng ibang tao. Walang takas ang bawat kuwento na kanyang nalalaman. Ngunit ano na lamang ang mangyayari kung isang araw, makasalubong niya ang taong hindi niya sinasadyang gawan ng is...