Kabanata 3

425 25 34
                                    

"Kapit ka lang panty ko ha?" bulong ko sa panty ko habang tinutulungan ako ni Jared. Halos panay ang kuwento niya sa akin tungkol sa mga kalokohan nila at minsan ay nag jo-joke pa ito sa akin.

Ang tawa kong pang dragon ay pinatulog ko muna at tumatawa na lamang ako ng mahinhin. Mabuti na lamang ay malapit ako kay Isha. Nagagaya ko ang tawang binibini niya.

"Wala ka na bang gagawin pagkatapos nito?" tanong ni Jared matapos ilagay ang huling libro sa istante.

Ngumiti ako sa kanya. "Wala na. Uuwi na ko."

Tumango siya at kinuha ang cart sa akin para magligpit na.

Palabas na kami ng building at siya naman daw ay mananatili muna rito sa campus. Nagkayayaan daw kasi sina Marcus na mag basketball after ng klase nila. Gusto ko sanang manood kaso nasabihan ko na siya na uuwi na ako.

Kung iimbitahan mo ako, Jared. Ibibigay ko kaagad ang oras sa iyo. Ganoon ka kahalaga sa akin.

"Paano ba 'yan? Alis na ko!" paalam ni Jared sa akin.

"O'sige. Salamat sa pagtulong! Tsaka next time, turuan kita mag joke ng havey," biro ko na ikinatawa naming pareho.

"Hmm... gusto mo bang—"

"Jared!" napatigil kaming dalawa at napalingon kay Dos na may hawak na bola at kasama naman niya si Franco.

"Oy, Anda Chismosa!" bungad ni Franco nang makalapit.

Ngumiwi ako sa sinambit niya. Bad shot ako kay Jared niyan! Kahit kailan talaga itong Franco'ng ito!

"Anda Eduardo ang pangalan ko, hindi Chismosa!" sagot ko rito.

Si Dos naman ay mataman na nakatingin sa aming dalawa ni Jared. Tingin ka riyan?

"Kumusta? Pauwi ka na ba?" tanong ni Franco sa akin.

"Oo, tapos na kasi siya sa library," si Jared na ang sumagot. Nakakakilig naman. Ayaw ako pagurin ng baby ko sa pagsasalita.

"Gusto mo ba manood ng laro?" pagyaya ni Franco.

Tumango naman si Jared. "Yayayain ko na nga sana eh."

Nangiti naman ako. Gusto ako ni baby manood ng laro nila. "O'sige ba. Tutal naman late umuuwi ang kaibigan ko. Hihintayin ko nalang din siya habang nanonood sa inyo."


Nang makarating kami sa court, ganoon na lamang din ang gulat ko na marami ang nanonood. May iilan pa na may props pang cheer.

"Ang oa naman nito! Ano ba 'to, official game?" komento ko na mukhang narinig ng tatlo dahil natawa si Jared.

Nag hiyawan ang mga kababaihan nang magsimula ang laro. Nahati sa dalawang grupo sina Jared. Ang kasama niya ay sina Marcus at Angelo, na sinamahan pa ng dalawang kaibigan nila. Habang si Dos naman ay kakampi si Franco at ang tatlong ka-kurso nila.

Sa unang set ng laro ay magaan lamang ang daloy. Halata naman na friendly game siya. Nakaupo ako sa pangalawang level ng bleachers sa malapit na puwesto nila Jared at panay ang cheer ko kada nakaka-shoot siya! Nagsi-apir-an ang tatlong magkakaibigan pag nakaka-puntos sila.

Ang kabilang kalaban naman na sina Franco ay nakasimangot lang. Nag a-alburuto ito kada inaasar nina Marcus. Si Dos naman ay walang ekspresyon ang mukha, tiim-bagang at para bang iritado sa nangyayari.

"Go, Dos!" hiyaw ng mga babae sa likod ko.

Sa tingin ko ay parang sine-seryoso na ni Dos ang laro nila. Lamang sila Jared ng sampung puntos sa unang set. Pinanood ko si Dos na nasa katapat na bleachers namin at marahas na uminom ng tubig sa bote.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now