Kabanata 21

309 10 25
                                    

"Tres!"

Pinakatitigan ko ang musical box na natanggap ko sa kanya nang makauwi kami. May nakaukit na salitang ''Cause This Is Our First Song'. Habang iniikot ko ang lever, naging pamilyar sa akin ang kanta. Hindi ko alam kung saan ko narinig. Basta ang alam ko ay pamilyar na siya sa akin.

"Ano na naman?" Nahimigan ko ang pagka-inis ng boses niya. Mukhang na-istorbo ko yata 'to ah?

Ngumuso ko at itinabi ang musical box. "Crush mo ba ako? Ikaw ha! Kunwari ka pa. Sorry pero I don't do friendships to lovers."

"What? Siraulo ka ba?" aniya.

Sumampa na ako ng tuluyan sa higaan ko at sumandal sa headrest. "Eh kasi ang sweet naman nitong musical box na binigay mo. Sabihin mo na sa akin kung crush mo ako. Tatanggapin pa rin kita para lang sa friendship natin. Huwag ka na mahiya, ako lang naman 'toᅳ"

"What musical box? I didn'tᅳ" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya at nakarinig ako ng kaluskos o ano mang ingay sa kabilang linya.

"Tres? Kinilig ka na ba?" panudyo ko. Hindi ko naman siya masisisi kung magustuhan nga niya ako. Walang nakakatakas sa ganda ko. Kung nahihiya talaga si Tres sa akin, ako na ang mag a-adjust. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Hay, ang hirap maging maganda.

Ilang segundo lang ay nakarinig na ulit ako ng pagtikhim. "Uh... musical box ba?" I heard him tss-ed. "Napulot ko lang 'yan. Sa'yo na 'yan!"

"Sabihin mo na..." 

"Ang alin?" Nai-imagine ko na siyang nakakunot ang noo.

"Na crush mo ako," panunukso ko pa.

Panigurado ay lukot na ang mukha nito. "Kilabutan ka nga! Hindi ka nga pasado sa tipo ko eh. At kung magugustuhan man kitaᅳ Wow, ini-imagine ko palang, kinikilabutan na talaga ako. Tigilan mo na ako."

Napatawa ako nang patayin na niya ang linya. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to! Diring-diri sa akin pero didikit naman pag may mahahakot akong chismis. 


Habang nakahiga ako at nakatitig sa kisame, hindi pa rin ako dinadapuan ng antok kahit na napakarami ang nangyari ngayong araw. Kinuha kong muli ang phone ko at nagtingin-tingin na muna sa social media accounts ko. Pero nang hindi pa rin ako na-e-enjoy, may pilyang pumasok sa isipan ko. 


Ako:

Pst. Tulog ka na?


Siguro ay tulog na ito. Anong oras na rin naman. Halos mag a-alas dose na pero hindi pa man din yata nag-iinit ang mensahe ko nang makatanggap na ako ng reply.


Dos:

Anong kailangan mo?


Ang sungit talaga! Nakakapanibago. Hmp! Pero wow, gising pa siya?


Ako:

Ba't ba ang sungit mo? May nagawa ba ako?


Dos:

You should sleep, Miranda. You had a long day.


Ako:

Matutulog ka na ba?


Dos: 

Yes. Good night.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now