"Minsa'y pinagtagpo, ngayo'y magkalayo,
Ngunit hindi papatalo, sundin lamang ang puso,"
Naglakad ng paunti-unti si Jared sa gitna at ganoon din ang ginawa ko. Pareho kaming nakatitig sa isa't isa.
Kabado ako ngayon sa harap niya lalo na't nang hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako nabibingi. Sa tilian ba, sa speaker, o sa lakas ng kabog ng pamatay kong dibdib.
Nakangiti at nakatitig si Jared sa akin at ako naman ay para bang unti-unting gumaan ang pakiramdam. Parehas kaming humarap sa madla at ikinanta ang chorus. Mabuti na lamang talaga at para bang saulo na ng bibig ko ang lyrics na kinakanta ko dahil ang utak ko ngayon ay nasa magkahawak na kamay namin ni Jared.
Humarap ako sa kanya nang parte ko na ang kakantahin.
"Tayo'y magkatabi,
Ngunit sa 'ting panaginip lang...
Sa bawat araw't gabi...
Alaala ay ako at ikaw,"
Mabuti na lamang din at bihasa na ako sa pag-arte. Madali na lamang i-akto ang bawat liriko na binibitawan ko.
"Pero 'wag kang mabahala,
Ako'y humiling na sa tala, sa huli...
Tayo, oh, whoa..."
Sabay naming ikinanta. Sa pagkakataong ito, para kaming mag nobyo't nobya sa harap ng maraming tao. Ang kaba ko kanina ay halos wala na at napalitan na ng kapal ng mukha para ipakita sa kanya ang kagustuhan ko sa kanya kahit isang performance lang ang nagaganap.
Para rin lang kaming naglalaro sa stage at isinasayaw niya ako sa bawat alon ng musika. Hindi akong nagkamaling magtiwala kay Jared. Nang paunti-unting natatapos ang kanta, humarap siya sa akin at mariing nakatitig. Ako naman ay pinapanood siya at nakangiti.
Hinawakan niya muli ang kamay ko at ini-level ito sa dibdib namin. Ibinaba niya ang kanyang mikropono kaya naman dali-dali kong inilapit ang akin sa kanya pero halos malagutan ako ng hininga nang lumapit siya sa akin at tanging mikropono ko na lamang ang pagitan namin.
"Magkahawak-kamay, pangakong ikaw pa rin at ako..." pagtatapos namin.
Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nanatiling ganoon ang posisyon, nakatitig at halos maduling sa sobrang lapit ng mga mukha namin.
Mabuti na lamang ay nagsalita na ang emcee. Panay hiyawan, palakpakan at tilian ang pumaibabaw.
Inilikot ko ang mga mata ko nang lumayo ako ng kaunti at nawala na ang lakas kong tingnan si Jared. Humarap ako sa mga manonood at ngumiti kahit na sa totoo lang ay bumalik na ulit ang kaba ko.
Nang makaalis na kami ng stage, naramdaman ko ang pagpatong ng kamay sa ulo ko. Humarap ako kay Jared, and he tapped my head twice.
"You did great," aniya at walang bakas na kahit anong pressure sa kanya sa nangyari. Halatang sanay na sanay na ito magperform sa stage.
I licked my lips and smiled. "Thanks to you."
"Anyway, kailangan ko na puntahan sila Dos. Magre-ready na rin kami in a few minutes," paalam niya.
Tumango ako. "O'sige. Good luck! Salamat din."
He, too, nodded and smiled. Madali itong umalis at baka raw magreklamo pa sila Marcus dahil biglaan din naman kasi ang pag request sa kanya na kumanta bago ang performance nila.

VOUS LISEZ
When the Two Collide (Numero Serye #DOS)
Roman d'amourNumero Serye #2 Miranda Eduardo, ang daldalera at usisera sa buhay ng ibang tao. Walang takas ang bawat kuwento na kanyang nalalaman. Ngunit ano na lamang ang mangyayari kung isang araw, makasalubong niya ang taong hindi niya sinasadyang gawan ng is...