Kabanata 16

303 10 31
                                    

"Anong ginagawa mo rito, Andeng?" tanong ng tiyo ko nang makita akong papalapit sa counter. Medyo maraming tao sa bar nila ngayon.

Matapos akong ihatid ni Jared sa amin kanina, pinagpasyahan kong magtungo rito sa bar ng tiyo ko. Naguguluhan kasi ako. Nahihirapan ako lalo na't parang grabe ang rebelasyon na nalaman ko.

Umupo ako sa high chair at nangalumbaba. "Nauhaw ako kaya pumunta ako rito."

Busy si tiyo sa paghahalo ng mga alak na order ng kahilera kong naka-upo.

"Akala ko naman kikitain mo si Amel. Nandito siya ngayon." Sa sinabi niyang 'yon, lumapit na sa amin ang pinsan kong si Amel na tinatanda na.

"Anong ginagawa mo rito, Andeng?" tanong niya at ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.

"Wow! Déjà vu ba 'to? Mana ka talaga kay tiyo!" komento ko.

Ngumisi lang ito at pumasok sa counter. Naging swabe ang kilos niya sa pag-aasikaso ng alak. May iilan na napapatingin sa kanya. May itsura naman ang pinsan ko pero ni minsan ay wala pa itong napapakilalang girlfriend.

"Kuya Amel, pahingi naman ng alak," sumamo ko.

Kumunot naman ang noo nito. "Bakit? Wala ka bang pasok bukas?"

Ngumuso ako. "Kahit isang bote lang ng Smirnoff."

Ilang sandali na muna niya akong tinitigan at nagpakawala ng buntong-hininga. Tumungo siya sa chiller at ipinatong ang bote sa harap ko. Itinukod naman niya ang parehong kamay sa counter.

"Pagkatapos niyan, umuwi ka na. O kung gusto mo, hintayin mo na ako para ihatid kita."

Ngumisi ako at umiling. "Huwag na. Uuwi na ako. Sa bahay na ako iinom."

Sumulyap na muna ito sa likod ko bago bumaling sa akin.

"At talagang dumayo ka pa rito para lang makakuha ng isang bote ng alak?" tumaas ang isang kilay niya.

"At ikaw, talaga bang dumayo ka lang rito para lang tumulong sa bar?" pinaningkitan ko siya ng mata. "May pino-pormahan ka rito 'no?" panghuhuli ko.

Naging madalas kasi ang pag-uwi niya rito sa Manila. Hindi gaya noon na dalawa o tatlong beses sa isang taon itong umuuwi.

He smirked. "As if."

Kapagkuwa'y may isang babae na naglapag ng tray sa tabi namin. "Sir, dalawang Cuba Libre, isang Old Fashioned at Tequila Sunrise."

Sumulyap sa akin ang babae at nag-iwas ng tingin. Sa pagkakaalala ko, ito 'yong bagong waitress ni tiyo. Hmm, baka ito 'yong ni-rekomenda ni mama.

"Well, well. Heto na nga ang chismis ko!" malakas kong saad at nilingon ang pinsan ko na may mapang-asar na ngisi.

Tumayo na ako at kinuha ang bote. "Ayusin mo ang trabaho mo, Amel Clinton Eduardo."


Nang makalabas sa bar, yumakap sa akin ang malamig na hangin. Naglakad-lakad na muna ako sa tabi at naramdaman ko na rin ang lamig sa hawak kong bote. Umupo ako sa gilid ng daan at napagpasyahan na inumin nalang ito ngayon.

Pinosisyon ko ang bukana ng bote sa sulok ng sementong inuupuan ko at pinalo iyon ng malakas para mabuksan.

"Oh yes!" komento ko at nilagok ito.

"Ang sabi mo, iinumin mo 'yan sa bahay niyo. Pero ano 'yang ginagawa mo?"

Nagulat ako nang may magsalita sa bandang likod ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Dos at prente pa ring nainom.

Narinig ko ang yabag nito papalapit at naupo sa tabi ko.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now