Kabanata 39

334 10 1
                                    

"Relax, ano bang inaalala mo?"

Huminga ako ng malalim at sinapo ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Noong unang pagkakakilala ko kay Madame Felicia, hindi naman ako tinablan ng hiya o kung ano pa man pero ngayon na halos ituring na naming pangalawang ina, mas nilukob na ako ng takot at kaba.

Siguro ay dahil noon ay humaharap lamang kami sa kanya bilang kaibigan ni Tres, pero ngayon ay haharap na ako bilang ka-relasyon ni Dos. Si Dos na kuya ni Tres. Si Dos na hindi naman inaasahan na kababagsakan ko.

Nang tumawag si Dos sa akin, nagpasabi ito na pupunta sila ni Madame Felicia rito para makapag usap. Sinabi ko 'yon kay mama at malugod naman niyang tinanggap ang nais. Kaya ngayon ay talagang pinaghandaan ni mama ang buong bahay para sa mga Delgado. 

Nang makababa si Madame Felicia sa sasakyan, sinalubong siya ni mama na nakipag kamayan at beso pa.

Madame Felicia then turned to my direction which made me stilled. She smiled and nodded at me before her attention goes back to mama. Nauna silang pumasok na ngayon ay madali nang nagkakausap na parang mag kumare.

"I'm telling you, Mama is happy about us," Dos whispered as he snaked his arms on my waist.

Napapikit ako at nilingon siya.  "Kahit na! First time ko 'to. Kinakabahan na ako pag bibisita ako sa mansiyon niyo. Dati palamunin at tumatambay lang ako roon, ngayon ay iba na." Feeling ko ay dapat maging mabuting manugang ako. 

"Mananatili kang palamunin ko. At hindi ka na magiging bisita sa mansiyon, maninirahan ka na roon," sagot niya na ikinaawang naman ng bibig ko.

"Pampalubag-loob ba 'yan o ano?!"

Sa totoo lang talaga ay hindi pa sumasagi sa isipan ko ang magbuklod na. I mean, oo, na-imagine ko na ang buhay pamilya kasama si Dos pero hindi 'yong kami na lamang dalawa. Ang nasa isip ko ay nasa bahay pa rin ako kasama si mama. Tapos siya bumibisi-bisita lamang sa amin.

Nang banggitin ni mama ang tungkol sa kasal, doon lamang nag sink-in sa akin lahat na hindi na pala talaga 'to basta-basta. Seryoso at totoong buhay na ito.

"Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam ang sasabihin kay Madame! Nawawala na 'yong pagiging madaldal ko. Sure naman ako na hindi niya ako bibigyan ng sampung milyon para layuan ka, 'di ba? Jusko!"

Tumawa si Dos.  "You should call her Mama," pagtama nito sa akin at iginiya na niya ako papasok sa loob.

Sa hapagkainan ay naabutan namin sina mama na patuloy pa rin sa pag-uusap at bahagyang nagtatawanan. Nang masipat nila kami ay tumigil sila at pina-puwesto na kami. 

Nasa kabisera nakaupo si Madame Felicia at si mama ay nasa tabi nito. Pinaghila na ako ni Dos ng upuan sa kabilang tabi ni Madame kung sa'n katapat ko si mama. Kapagkuwan ay naupo na rin sa tabi ko si Dos.

"Finally! I'm glad that we're all here! Alam niyo bang ilang beses ko na 'tong kinulit si Dos na bisitahin namin kayo rito simula no'ng makauwi na kayo rito sa Alcantara?" panimula niya. Ngumiti siya at huminga ng malalim. "Hindi ko inakala na magkakatuluyan 'tong anak kong si Dos at si Anda na kaibigan ni Tres."

Sinsero ang mga reaksyon ni Madame sa amin. Kahit paano ay nabawasan ang pagkakaba ko sa mga oras na ito. Naalala ko kasi ang boses niya no'ng kausap siya ni Dos sa phone. Pero ngayon ay parang wala lang at mukhang nagkaroon lang kami ng kaunting salu-salo.

Gusto kong ngumiti pero nauuwi lamang sa ngiwi ang mukha ko. Hindi gaya ng katabi ko na nakangisi. Maski nga rin si mama eh. This is so awkward!

"Hindi ko nga aakalain na may papatol pala rito sa anak ko," sagot naman ni mama.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon