Kabanata 35

366 11 4
                                    

"Pisteng yawa ka!"

Napabangon ako sa pagsigaw ni mama at sa hampas niya sa akin. "Aray, ma! Bakit ka ba namamalo? Pangit mo naman ka-bonding! Kakarating ko lang tapos mamamalo ka na!" reklamo ko.

"Akala ko pinasok na ako rito ng kakaibang magnanakaw o baka minumulto na ako! May baso sa mesa kahit na wala akong ginamit kagabi tapos hindi pa nakasara ng maayos ang ref! Hayop kang bata ka! Tataas ang bill ng kuryente! At bakit wala kang pasabi na uuwi ka?!" malambing nitong saad.

Mabuti na lamang din talaga at tinanggihan ni Dos ang alok kong pagpapatulog sa kanya rito. Baka mas lalong atakihin si mama sa apdo pag nakita niyang natutulog ang isang Dos Delgado sa amin, specifically, sa kuwarto ko kung sakali man.

Napansin ko naman na mataas na ang sikat ng araw. Para namang hinahalukay ang tiyan ko kaya't napatakip ako sa bibig para pigilan ang sarili sa pagduwal.

Kumibot ang ilong ko nang maamoy ko ang masangsang na amoy na paniguradong galing sa katabing bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang pini-prito nitong amoy basura. "Grabe naman ang amoy kina Aling Perla!"

"Anong oras ka dumating? Bumaba ka na at mananghalian!" pagbabalewalang komento ni mama sa akin.


Sumunod ako kay mama patungong hapag-kainan nang tumunog naman ang phone ko. Hindi na ako nagulat nang makita ang mensahe ni Dos sa akin.


Dos:

Good morning, love. Don't forget to eat your breakfast. I'll pick you up, later.


Napatanga naman ako sa sinabi niya. Wala ba siyang kapaguran? Halos ilang oras lamang ang parehong pinahinga namin tapos manunundo na agad siya. At saan naman kami pupunta?


Ako:

Mapirmi ka nga muna riyan! Saan mo na naman balak maglagi? Gusto ko lang magpahinga!


Naupo ako sa tapat ng mesa habang si mama ay naghahain na ng pagkain. Nilapag nito ang escabeche na nagpanubig sa lalamunan ko.

"Wow naman! May pa-escabeche si Aling Amanda!" untag ako at nasasabik na kainin ito. Sobrang miss ko na ang lutong bahay! Ibang-iba pa rin talaga kaysa sa mga karinderyang pinagkakainan namin ni Isha. 

Naupo si mama sa tapat ko at nagsimula na ring kumain. "Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka? Sino ang kasama mo? Sabay ba kayo ni Isha na umuwi? Anong oras kayo nakarating?"

Minsan iniisip ko na baka nagmana na si Isha kay mama pagdating sa pag-iinteroga tungkol sa akin. Sumimangot ako. 

"Mga alas cuatro yata o mag a-alas singko na kami nakarating. Napagplanuhan kasi nina Isha at Javier na umuwi ng Alcantara kaya naman nakisabay na ako," tugon ko at umisang subo.

Saglit akong natigilan dahil sa lasang nanuot sa dila ko. Tila umasim ang mukha ko dahil sa escabeche ni mama. "Ano ba 'to, ma. Bakit ganito lasa? Hindi ka na ba marunong magluto?"

Kumunot ang noo ni mama at tinikman din ang gawa. "Masarap naman ah? Ako pa pagdududahan mo sa pagluluto."

"Ang pangit ng lasa!"

Mas lalong lumukot ang mukha niya. "Eh 'di huwag ka kumain! Hindi naman para sa'yo 'yan! Ang pangit mo rin!"

Napanganga naman ako sa tinuran niya at bago pa ako makasagot ay may kumatok sa pintuan namin. Mabilis naman iyon dinaluhan ni mama. Mabuti na lamang talaga at may pritong manok na nakahain na mukhang ulam ni mama kagabi.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now