Kabanata 24

282 9 15
                                    

"Sex?"

"Joanna!"

Kanina pa ko pinipilit nito kung ano raw ang nangyari sa amin ni Jared buong gabi. Kahit sabihin ko na wala, hindi raw siya naniniwala. Alam niyang mabait ang pinsan niya pero parehas daw kasi kaming nakainom kaya raw imposibleng walang nangyari. Iba raw kasi pag nasa impluwensya ng alak.

"Wala nga kasi!" giit ko.

Sumimangot lang ito at inirapan ako. "Imposible talaga! Kahit halik, walang nangyari?"

Mabilis akong sumimsim ng kape at dahil mainit 'to, napaso ang labi at dila ko.

"Aw! Tingnan mo nga naman. Mukhang naka-iskor pa rin!" asar niya.

"Bahala ka mag-isip ng kung ano riyan!"

Dahil sa kanya, naalala ko na naman ang nangyari. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto ko si Jared kaya naman nagpaubaya na ako kagabi. Halik lang naman. Pakiramdam ko ay para kaming magpapaalam sa nararamdaman namin.


"Just for tonight, Anda. Let's forget our complicated life that we have outside," aniya at naramdaman ko ang paglapit niya.

Wala akong nagawa kundi hintayin kung ano ang susunod niyang sasabihin o gagawin pero naramdaman ko nalang ang mainit niyang kamay sa pisngi ko at ang labi niya sa labi ko.

Ang mainit at malambot niyang labi ay nagsimulang gumalaw sa marahan na paraan. Napapikit ako sa bawat galaw na iginagawad niya. Naramdaman ko siyang itinagilid ang ulo niya para mas lalong mapalalim ang halik. Nalalasahan ko ang alak sa kanya at alam kong nalalasahan niya rin ang akin. Pareho kaming lasing ngayon. Hindi lang sa alak kundi sa halik na pinagsasaluhan namin.

Nang maubusan na kami ng hangin, ipinagdikit niya lang ang noo niya sa akin at nagbubungguan ang tungki ng ilong namin. Sapo-sapo niya ang pisngi ko ngayon.

"This makes me like you so much, Anda," paos na pagkakasabi niya.

Pareho kaming habol sa hangin. At pakiramdam ko ay hindi lang 'yon ang hinahabol namin. Pakiramdam ko ay may mas malalim pa para roon sa nararamdaman namin. Ngayon ay nangyari 'to, ano na lang ang mangyayari pagkalabas namin?

Imposible namang mag jowa na kami nito pagkalabas. Ano na lamang din ang iisipin ni Estella na fiancee niya? Pero 'di ba ito ang gusto ko mangyari no'ng una? Ang mapansin ako ni Jared. Ang magustuhan niya ako. Pero bakit ngayon nga na nangyayari na ang mga ito, pakiramdam ko ay mali? Nako-konsensya na ba ako dahil ikakasal na si Jared? At nag mu-mukha akong kabit? Pero mas makasalanan si Estella! May Jared na nga, may Dos pa siya!

Napapikit at napayuko.

"Sorry. Hindi mo ba nagustuhan ang nangyari?" rinig kong sambit ni Jared at hinanap nito ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim at inangat ang tingin kahit madilim. "Gusto ko... Imposibleng sabihin ko na ayaw ko kung tumugon naman ako sa halik..."

"Anong iniisip mo?"

Marami. Marami at sa tingin ko talaga ay hindi dapat nangyari 'to. "Anong mangyayari sa atin pagkalabas dito? Magkaibigan pa ba tayo? O magkaka-ilangan nalang?"

Kahit madilim ay para bang nakakakita si Jared dahil hinuli nito ang takas na hibla ng buhok ko at inipit ito sa likod ng tainga ko.

"It would be really unfair to your side if we just remained as friend where in fact, we just kissed. Friends don't kiss," aniya. At sa sinabi niyang 'yon ay pumasok sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Dos. Friends don't kiss. Oo nga naman. Pero ipinilig ko ang nasa isipan kong 'to. We didn't actually kissed. It was an accident! Iba ang nangyari sa amin ni Dos, sa nangyari sa amin ni Jared.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now