Kabanata 29

322 10 41
                                    

"Nahihibang ka na ba, Dos? Ipapa-ban mo si Chan sa The One?"

Matapos ang nangyari kanina ay may isang bouncer ang mabilis na dumalo sa amin. Lumapit ito kay Dos at kinausap. Para siyang kilala nito at napaisip ako kung lagi ba naririto si Dos sa bar na ito.

Inalalayan na lamang no'ng bouncer si Chan patayo. Balak ko sanang samahan ito pero hinila lamang ako ng kasama ko.

Sino ba siya para magpa-ban sa bar na ito? Akala mo naman kanya ito! O kilala niya ang may-ari nito? Pero kahit na! Hindi niya dapat gawin 'yon!

"He kissed you!" Para siyang bata sa sinambit niya.

"He did not! Inangguluhan niya lang!"

Halos mag-iisa na ang kilay ni Dos sa sobrang pagkakunot ng noo niya. "He dared to!"

Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Natatantya ko na hindi ito magpapatalo at igigiit pa rin ang nakitang anggulo para sa kanya. At isa pa, sumasakit na ang ulo ko dahil sa alak at pagod na nararamdaman. Hinilot ko ang sentido ko.

"Ihahatid na kita," aniya na ikinamulat ko.

"Huwag na. May kasama ako," sagot ko at tinalikuran na siya para sana puntahan si Sara. Panigurado ay nagre-reklamo na 'yon kung nasaan ako. Last time na nag bar kami at umuwi ako mag-isa dahil akala ko ay wala na siya, pinagbayad niya pa rin ako sa hati ko sa Grab na sinakyan niya.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Sa loob ay parang wala lang. Patuloy ang sayawan at hiyawan. Dumiretso ako sa puwesto namin at hindi na pinansin si Dos sa likod ko.


"Rag, si Sara?" tanong ko. Bakas sa mukha nito na marami na siyang nainom pero mukhang kaya pa rin naman niya. May katabi itong babae na hindi ko kilala at alam kong hindi namin ito kasama kanina sa grupo.

Nagkibit ng balikat ito at pinasadahan ang gitna.

"She's here awhile ago. Baka nag cr lang?" malakas na pagkakasabi niya dahil sa musika na nangingibabaw. Ang mata nito ay dumiretso sa likod ko. "Darius, nandito ka pala."

Umayos ng upo si Rag at inalis ang pagkaka-akbay sa babae. Napatingin naman ako kay Dos na tumabi sa akin. Tumango lang ito kay Rag.

"Magkakilala kayo?" usyuso ko.

"Having fun, Mr. Rances?" pormal na tugon ni Dos.

Rag chuckled and stood up. Naglahad ito ng kamay at tinanggap naman ni Dos. "Drop the formality. We're not in our business suit."

"Just call me Dos for simplicity. Not used on hearing Darius," tumawa rin ng kaunti ang katabi ko.

Kumuha ng isang old fashioned glass sa mesa si Rag at nilagyan iyon ng alak bago iabot kay Dos.

"I didn't expect to see you here. Akala ko kasi ay hindi mo hilig ang mga ganitong lugar," anito.

Kinuha naman ni Dos ang baso at inisang lagok iyon. "You're right. Loud music and pool of people inside are not my thing," pagkuwa'y halos pabagsak nito inilapag sa mesa ang baso. "Pero may kailangan kasi akong bantayan," dagdag pa nito.

Ngumuso si Rag at namulsa. Sandali itong sumulyap sa akin na ikinanuot-noo ko naman. "Oh... Girlfriend?"

"Yes," sagot ni Dos at napatalon ako nang maramdaman ang kamay nito na pumalibot sa baywang ko.

"Ha?" Napatingin ako kay Rag na nakangisi na at pabagsak na naupo sa sofa at dume-kuwatro ng upo. Muli nitong inakbayan ang babae.

Bago pa ako magreklamo kay Dos dahil sa kinakalat niyang girlfriend, may pumalo sa kanang balikat ko.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now