Kabanata 19

339 13 33
                                        

"Hindi, Anda. Huwag mo nang subukan."

Inis kong ginulo ang buhok ko nang maalala ko ang naging sagot sa akin ni Dos. Hindi ko alam kung bakit niya tinanggihan ang alok ko. Sa totoo lang din naman, pagkakataon niya na rin iyon. Gusto niyang maangkin si Estella, 'di ba? Gusto niyang pigilan ang kasal. Eh 'di, hindi na masama ang suhestiyon ko.

Halos nagpa-ikot-ikot ako rito sa kama ko dahil sa inis ko rin sa sarili. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon. Masyado na yata akong naging desperada sa harap ni Dos. 

Naisip ko lang naman kasi, na kung sakaling matulungan ako ni Dos na mapalapit kay Jared, baka sakali lang naman na itigil na ni Jared ang naging kasunduan ng parehong pamilya nila ni Estella. Lalo na kung minamahal na ako ni Jared.

Napanguso ako sa naging takbo ng utak ko. Masyado na yata ako naghangad ng mas mataas sa magiging relasyon namin ni Jared. Masyado ko na yatang sineseryoso ang nararamdaman ko sa kanya.

Kinabukasan, matapos kong asikasuhin ang kailangan asikasuhin sa unibersidad, nagpasya akong dumiretso sa bar and grill ng tiyo ko. Doon na muna siguro ako tatambay dahil nabuburyo ako sa bahay at walang puwedeng gawin. At least, pag nasa bar ako, puwede kong paglaruan ang iilang nakatabing instrumento roon sa taas o 'di kaya magpapaturo nalang ako ng pagtimpla ng alak. Mga alas dose ng tanghali ay bukas naman ito at nagsasara ng mga alas dos ng umaga.

"Hi, Kuya Amel," bati ko nang makapasok ako at naabutan ko siyang nagpupunas ng mesa. Napatigil ako sa paglalakad at umatras ng kaunti para matingnan ulit siya. "Kuya Amel? Nandito ka pa rin?" taka kong tanong. 

Ngumisi siya. "Bakit? Hindi ba puwede?"

Umayos ako ng tayo at kinunotan ng noo. "Tanggal ka na ba sa trabaho mo sa Manila? Halos bumabaliktad na ang pag-uwi mo roon, ah?"

Ngumuso lamang siya at nagtungo sa loob ng counter. Napansin ko naman ang babae na bagong waitress nila. Tahimik itong kumukuha ng order ng customer. Ako naman ay nasa labas lamang ng counter nila at naupo sa high chair. 

"Anong ginagawa mo rito? Parang napapadalas ka rin yata rito, ah?" aniya at kinuha naman niya ang bar mats para mahugasan.

"Mangongotong lang. Nauuhaw ako," pagbibiro ko. Nagulat naman ako nang ipalo niya sa noo ko ang bar spoon. Napaupo ako ng maayos at hinawakan ang parte na pinalo niya. "Hayop ka! Masakit ah!"

"Tanggera ka na ngayon?" tumaas ang kilay niya.

"Aba! Sino ba ang nagturo sa'kin?" paghangos ko at sinimangutan siya. 

Naputol lamang kaming dalawa nang lumapit ang waitress nila. "Sir, may gusto pong um-order ng Mojito."

Tumango lang si Kuya Amel dito at mabilis na kumilos. Nangalumbaba akong hinarap siya. Nasulyapan naman niya ako at agad na umiwas. 

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

Binasa nito ang labi niya. "Riva po," mahinang tugon niya. 

Tumango-tango ako at napakunot ng noo nang may maisipan ako. Napa-arko ang isang kilay ko. "Kilala mo ba ako?"

Napakurap si Riva sa akin. "Uh... hindi po eh. Pasensya na po..." Halata rito ang pagkagulilat niya sa akin.

"Sa ganda kong 'to?" Iprinesenta ko ang mukha ko sa kanya gamit ang likod ng kamay ko at pinalo ng dalawang beses ang baba ko. Bumahid ng pagtataka ang mukha niya sa inasta ko. "Char! Ako si Anda," pagpapakilala ko at ngumiti.

Sinala niya ng ngiti ang labi niya. "Nice to meet you po... Uhm... girlfriend po kayo ni Sir Amel?" Mahina ang boses niya sa huli.

I scoffed at what she asked. "Girl, kadiri. May papatol ba riyan sa lalaking 'yan?" Lumapit ako ng kaunti at may binulong sa kanya. Nang mahiwalay ay muli akong ngumisi.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now