"Tigilan mo ako Dos, puwede ba?"
Yumuko ako at pinagpatuloy ang pagsusulat. Pero sinagi lang ng nasa harap ko ang libro kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. Porket graduating na ang mokong na ito, mangungulit nalang ng lower year?
"Opinion mo lang naman kasi ang hihingiin ko," pagmamaktol nito. Kanina pa kasi ito nagtatanong kung ano ang prefer ng mga babae sa suot sa paa. Kung may takong ba raw o flat shoes o 'di kaya naman ay rubber shoes.
"Kitang nag-aaral ako! Istorbo ka. Palit nalang kaya tayo ng academic status?"
Sumimangot lang siya at sinilip ang ginagawa ko. "Ano ba 'yan? Ako na sasagot tapos tingnan mo nalang itong nasa phone ko," sabay lapag ng phone niya sa harap ko.
Wala na akong nagawa nang kunin na niya sa akin ang papel at libro ko. Inis kong kinuha ang phone niya at nakatambay sa isang online store.
"Ano bang gagawin mo sa sapatos ng babae?" tanong ko habang nag i-scroll.
"Malamang ibibigay. Mag-isip ka nga," pabalang nitong sagot na nakatuon lamang sa papel ang mga mata.
Bastos 'tong lalaking 'to. Siya na nga ang humihingi ng opinion ko tapos babarahin ako. Nagtatanong lang naman ng maayos. Ganyanan talaga ha! Akala mo naman magpapatalo ako sa'yo. Kung hindi niya lang talaga alam ang tungkol sa letter ko kay Jared, matagal ko na 'tong kinick out sa buhay ko. Tapos kino-konsensya pa ako sa naging issue niya noong huli. Tsk!
"Pero bakit sapatos?" bored kong tanong. Nangalumbaba ako at sa totoo lang ay wala naman akong alam sa kung anong magandang sapatos basta bagay sa beauty, okay na!
"For more expedition in life?"
"Pero may sabi-sabi na pag binigyan mo ng sapatos ang taong mahalaga sa'yo, ibig sabihin ay lalayo ito sa'yo," paliwanag ko.
Nag-open ako ng panibagong tab at tumingin ng bagong kwintas. Sa totoo lang ay mahilig ako sa kwintas. Kaya nga hindi ko pinapahaba ang buhok ko at hanggang balikat lang kasi gusto ko pag suot ko ang kwintas ko, mas nabibigyan ng atensyon ito. At siyempre, para mapansin din ang pamatay kong collar bone.
May nakita akong magandang crescent moon necklace sa Pandora. Mamaya sa bahay ay i-a-add to cart ko na ito. Pag chineck-out ko iyon, panigurado, isang pingot na naman ang aabutin ko kay mama. Ang pera naman na ginagamit ko ay ang mga kinikita ko sa pag chi-chismis. Ngayon ko nga lang na-realize na puwede ko palang kitain ang pagiging chismosa.
"Nagpapaniwala ka naman sa sabi-sabi," sambit ni Dos.
"Sinasabi ko lang naman sa'yo. Pag naisipan mong magbago ng ibibigay, bigyan mo siya ng relo. Mas okay 'yon," inangat ko ang tingin sa kanya na ngayon ay nakatingin din sa akin.
"Sa tingin mo?"
"Oo naman! Kumbaga, isang relo sa'yo binibini para sa mas maraming oras natin para sa isa't isa," pag-aakto ko sa ere na sinabayan ko pa ng pagkumpas ng mga kamay ko.
Blanko lamang ang mukha ni Dos nang tingnan kong muli siya. Inirapan ko na lang siya at umayos ng upo. Inalis ko ang tab na ginamit ko at nagtingin ng isu-suhestiyon kong relo.
"Ano bang klaseng babae siya?" tanong ko habang naghahanap.
"Hmm... she's prim and sophisticated. Hindi pa kami ganoon ka-close but her personality is quite appealing."
Tumango-tango ako. May nakita naman ako na sa tingin ko ay babagay sa pagbibigyan niya. Inilapag ko ang phone sa kanya at pinakita ang isang Kerrigan mini three-hand na relo.
Ngumiti siya nang makita iyon at kinuha ang phone. "I like this one."
Tumikhim ako nang may pumasok sa isipan ko. Pagkakataon ko na ito para malaman ko ang tungkol naman sa baby Jared ko.

YOU ARE READING
When the Two Collide (Numero Serye #DOS)
RomanceNumero Serye #2 Miranda Eduardo, ang daldalera at usisera sa buhay ng ibang tao. Walang takas ang bawat kuwento na kanyang nalalaman. Ngunit ano na lamang ang mangyayari kung isang araw, makasalubong niya ang taong hindi niya sinasadyang gawan ng is...