Kabanata 4

413 22 31
                                    

"Paasa ka! Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa iyo? Sinaktan mo ako!" sinampal ko ang nasa harap ko ng pagkalakas-lakas.

Pumalibot sa amin ang mga nagsi-singhapan sa nasaksihan. Ang lalaking nasa harap ko ay yumuko at hinawakan ang pisngi niyang sinampal ko. Bumakas ang pamumula ng sampal ko rito.

"Gusto kita," aniya.

Napatawa ako sa sinabi niya. "Gusto? Kung gusto mo ako, bakit hinayaan mo akong masaktan? Kung gusto mo ako, bakit mo ako hinahayaang umiyak?"

Tumulo ang mga luha kong nangi-ngilid kanina pa. Dinuduro-duro ko ang nasa harap ko at bawat pagduro ko sa dibdib niya, umaatras ito.

"Kung gusto mo ako, bakit hinayaan mo akong mapunta sa iba..." halos pabulong kong saad. Yumuko ako at umiyak nang umiyak.

"Kasi masaya ka sa kanya!" halos dumagundong ang boses niya sa lugar. Hinawakan niya ang nanghihina kong kamay na nasa dibdib niya at pinatigil sa kakaduro sa kanya.

"Siya ang nauna sa'yo! Siya ang nandiyan sa tuwing umiiyak ka. Siya ang nandiyan sa tuwing nasasaktan kita ng hindi ko sinasadya! Siya ang laging nasa tabi mo kaya paano kita aaluhin? Paano kita yayakapin? Kung sa umpisa palang, sa kanya ka na agad tumatakbo?"

Sinalubong ko ang mga pagod niyang mga mata. Tumulo na rin ng tuluyan ang mga luha niya. "Nasasaktan mo rin ako. Napapaiyak mo rin ako. Pero wala akong sinasabi," aniya.

Sumikip ang dibdib ko at patuloy ang pag-agos ng luha ko.

"Cut!"

"Shit! Ang galing! Pak na pak!" rinig kong sambit.

Pinunas ko ang luha ko at ngumiti naman ako sa kasama kong umakto na si Jeff. Ang mga taong nanonood sa pag e-ensayo namin ay halos maiyak din sa pinapanood.

"Ang galing mo, Anda," komento ni Jeff.

Ma-drama kong pinunas ang luha ko at tumingin pa sa itaas. "Salamat sa pagpapa-alala."

Tumawa na lamang ito ng mahina at kami naman ay pinatawag ng direktor na nasa gitna.

"Ang galing niyong dalawa! Gusto ko ganoon na ganoon ulit ang pakiramdam. Punong-puno ng emosyon. Nadala ako sa inyong dalawa! Pakiramdam ko ay totoo!" saad niya at ma-drama niya rin pinunasan ang gilid ng mga mata niya na nakatingin sa itaas.

Kaunting pag-uusap pa ang naganap para sa nalalapit na palabas at okay na. Hindi ko alam kung paano ako nasali sa organisasyon ng teatro pero nakita ko na lamang ang sarili kong umaakto at nasisiyahan pag nalalahad ko ang iba't ibang damdamin ko.

Masaya naman ako rito dahil gaya nga ng sabi ko, nalalahad ko ang nararamdaman ko at bukod pa roon ay naisasabuhay ko ang mga karakter na nasa papel lamang umaakto.

Dati pangarap ko maging artista. Puro kasi ako panonood ng tv noon. Nagagalingan ako sa mga umaakto at pakiramdam ko ay totoo ang mga karakter na ipinapakita nila. Pero sabi ni mama, wala naman ako mapapala roon. Masyado raw magulo kaya gusto niya ay mag-aral ako ng mabuti at maging guro.

Wala naman akong problema. Noong una rin ay ayaw ko pa kunin ang kursong Education dahil mas gusto ko pa ang Mass Communication o Journalism pero ang sabi ulit ni mama, magulo rin at mapanganib. Kaya heto, wala sa sariling bumagsak ako sa Education course.

Mabuti na lamang talaga at may theatre guild. Nailalabas ko ang totoong nais ko noong bata pa ako.

"Saan ka ngayon, Anda?" tanong ni Jessa na kasamahan ko sa teatro.

"Library. Tatapusin ko na ang community service ko roon!" tumango na lamang ito at nagpaalam na.


When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now