Kabanata 5

477 22 31
                                        

"Mahal kita!" sambit ko.

Tumayo ako at inilang hakbang ang pagitan namin. Hinarap niya muli ako at bakas ang gulat sa mukha niya.

"Mahal kita, ako nalang... please," halos pabulong kong wika.

Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang palapulsuhan ko at sinalubong ng mahigpit na yakap.

"Hinihintay ko lang naman na sabihin mo sa akin 'yan. Mananatili ako para sa'yo," aniya at tuluyan na akong lumuha. "Mahal din kita..."

Unti-unting nagdilim ang paligid at tanging ilaw lamang sa tuktok namin ang nakabukas. Umalingawngaw ang mga palakpakan ng mga nanonood sa auditorium.

Pagkasara ng malaking kurtina, ang lahat ng naging parte ng palabas ay tumuntong sa entablado. Magkakahawak ang kamay namin at muling bumukas ang kurtina. Bumukas na ang mga ilaw at kami naman ay sabay-sabay na yumuko bilang paggalang.

Matapos ang naging matagumpay na palabas namin, halos maiyak kami at nagsi-yakapan.

"Sa wakas, nairaos natin ng maayos!" ani ng direktor namin. "Salamat sa inyo, kung hindi dahil sa inyo, hindi ito magiging matagumpay!"

Nag group hug muli kami at nagplanong magsaya mamaya pag nagsimula na ang paunang performance para sa foundation week.

Sinalubong ako ni Isha at niyakap. "Ang galing-galing mo, Anda!"

"Nakuhanan mo ba ako? Ang ganda ko ba?"

Tumango ito at ngumiti. "Nakaka-iyak nga eh. Buti naman at naging happy ending ang istorya."

Mabuti nalang talaga at break muna kami sa klase. Ito ang pinakagusto ko sa taon ng pag-aaral. Ang foundation week!

Niyaya ko si Isha na maglibot sa mga booth at natutuwa naman ako sa bawat gimik ng bawat departamento.


Bahagyang tumalon ang puso ko nang makita si Jared sa 'di kalayuan na may nakasabit na gitara sa kanya at nasa booth nila ito na tumutugtog at bakas ang pakikipagbiruan niya sa mga kasama. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang maalala ko ang sinabi niya sa akin noong huli.

Pakiramdam ko nga ay para kaming mag nobyo't nobya sa naging tagpuan namin. Kinikilig ako sa tuwing dumadaan ang imaheng iyon sa isipan ko. Hay, Jared! Binabaliw mo naman ako!

Nawala ang lumilipad kong utak nang may pumitik sa noo ko. "Baka matunaw ang kaibigan ko, tigilan mo ang paninitig!"

Sinamaan ko ng tingin si Dos na naka-simpleng black t-shirt at faded pants. Lumilitaw ang kaputian ng balat niya. Minsan napapa-isip ako kung bakit maputi pa rin ito gayong nabibilad naman yata siya ng araw sa tuwing nasa rancho siya. Siguro nag glu-gluta ito!

"Kung makabakod ka naman sa kaibigan mo, tsk!" untag ko at nilingon na si Isha na tapos na tumingin sa booth.

Bahagya itong nagulat sa kausap ko at napakurap pa pero binaling na lamang ang atensyon sa paligid. Wala naman kasi talaga itong pakialam si Isha. Minsan nga ay parang may kasama akong alagain dahil kung saan-saan ito napapadpad pag nalingat ka lang ng sandali.

"Bakit mo ako iniwan last time?" reklamo ni Dos.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Malamang binigyan ko kayo ng oras ng ex mo! Tsaka tapos na ako kumain."

"Eh 'di sana sinabihan mo ako. Matapos mo akong huthutan—"

"Hoy! Anong huthutan?! Masisipa kita riyan! Ikaw ang nag-aya sa akin tapos ako pa ang lalabas na masama?!"

Napatikom naman ako ng bibig nang mapagtantong napalakas ko pala ang boses ko. May iilan na napatingin sa amin at si Dos naman ay nakangisi. Tuwang-tuwa talaga ito pag nai-stress ako! Pumikit ako at kinalma ang sarili. Masama ito sa beauty ko!

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now