Kabanata 31

447 8 1
                                        

"Dos, wala ka bang trabaho?"

Napangiwi ako nang hulihin nito ang kamay ko at pagsaklupin iyon sa kanya. Kinuha nito ang bag ko sa balikat at siya na mismo ang nagdala. Nawala ang pagkainis ko nang mabilis kong pasadahan ang itsura nito. He's wearing a white polo shirt and black jeans partnered up with a top sider and my tote bag on his shoulder.

"I can manage my time. At isa pa, pag sinabi kong susunduin kita, susunduin kita," sagot nito.

Nagpatianod na lamang ako sa hila niya at dumiretso ito sa sasakyan niya. May iilan kaming nakasalubong na co-teachers ko na manghang nakatingin sa amin... o sa kasama ko? Napataas ako ng kilay. Ngumisi ako sa kanila at mabilis na binalingan ang kasama ko na binuksan ang passenger seat.

"Uuwi na ako, Dos," pagpapaalala ko.

Halos araw-araw kasi itong sumusundo sa akin. Kahit anong pigil ko rito, hindi ito nagpapatinag. Siyempre, hindi lang naman sundo ang ginagawa niya. Nagyayaya pa muna itong kumain. At dahil halos rush hour na ang nagiging biyahe namin, nagiging late na ang pag-uwi ko at napapahuli rin ang tulog ko dahil sa mga paper works na kailangan ko pang gawin.

"Don't you want to eat?"

Napaikot na lamang ang mga mata ko nang magsalita si Dos sa gitna ng biyahe namin. Nakahinto kami ngayon dahil sa stoplight. I turned to him with a blank expression on my face. Nakanguso lang ito nang tumingin sa akin.

"May kailangan akong tapusin, Dos. Marami akong ginagawa," pagod kong saad at hinilig ang ulo sa bintana.

He sighed. "Can we go out then at weekends?"

"Hindi ako sigurado."

"Why?"

"Gusto kong magpahinga." Nanatili ang mga mata ko sa harapan nang umandar na muli ang sasakyan. Dahil sa mga naglilitawang ilaw sa papadilim na paligid, muli kong naalala ang nangyari sa amin ni Dos sa unit ng pinsan ko.


I'm uncomfortable. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't nagiging clingy sa akin ang katabi ko. Hindi ako sanay sa pagiging sweet ni Dos. Magugulat nalang ako pag aayusin nito ang buhok ko, iipitin ang tikwas sa likod ng tainga ko, o minsan ay biglang yayakap at aamuyin ako.

Hindi rin ako sanay sa mga matatamis niyang salita. Every minute, he'll ask me if I'm okay. If It's hurt when I'm walking, moving or anything. Sinungitan ko pa ito nang magtanong kung puwede raw makita ang katawan ko. Parang timang! Hindi porket may nangyari sa amin ay puwede na siyang manilip sa katawan ko! Pero ang sabi niya lang naman daw ay kung wala ba akong galos, pasa o sugat sa nangyari.

And speaking of sugat, doon ko lang din napansin na may mga kalmot siya sa braso. Ako ba ang may gawa no'n? Sa totoo lang ay hindi ko na masyadong nabigyan pansin ang ginagawa ko sa kanya ng mga oras na iyon dahil mas tumatak sa isipan ko ang pagpapaligayang ginawa niya sa akin. Plus, a fact that I was drunk and drugged.

Gusto kong sugurin ang Sexes na 'yon sa alak na ibinigay niya. Ang sabi ni Dos ay isang ecstasy drink ang ibinigay no'n at ino-offer niya lang sa mga umu-okyupa ng VIP room sa The One. I asked him what it was all about, and he answered that it will heightened one's libido.

Isusumpa kita Sexes. Ikaw ang kasunod ni Tres sa listahan ko!

Matapos kong malaman iyon, madali kong pinadalhan ng mensahe si Sara. Siya ang nag udyok sa akin na inumin iyon. Pero wala akong nakuhang reply. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Did Rag drive her home? Or even Chan? Sakit pa naman sa ulo 'yon. And for the love of God, sana talaga ay walang nangyari sa kanya lalo na't nakainom din siya ng maraming ecstasy drink.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now