Kabanata 20

323 13 47
                                    

Ako:

Pst. Si Ganda 'to. Hindi ka na ba madamot?


Ngumuso ako nang itinipa ko iyon sa phone ko. Kinuha ko ang phone number ni Dos kay Tres ilang araw lamang ang nakalipas. Nang hiramin ko kasi ang phone ni Tres, naisipan kong kalikutin ito at napagpasyahan na kunin ang numero ng kapatid niya nang hindi niya nalalaman. Baka mamaya kung ano ang isipin no'n. Nahahawa na kaya si Tres sa akin. May pagka-chismoso na. 

Muli kong binura ang ihahatid ko sanang mensahe at nag-isip ng panibago. Red days yata ni Dos ngayong buwan kaya parang ang sungit at moody. Kailangan kong paamuhin!


Ako:

Hi, Dos! Si Anda 'to. May kailangan ka ba?


Erase! Erase! Ako nga pala ang may kailangan. Ano ba ang puwede kong sabihin? Time is gold, Dos! Kailangan na natin kumilos! Gano'n ba? Hatiran ko ba ng pick-up lines? Baka sakaling mapangiti ko tapos bumait na sa akin. Eh 'di pumayag na rin siya!


Ako:

h1! si Tta fL0r mu i2. m4y ipAPadaLa aQu pasALub0n6 s4 inyU. kaKAuw3 qu lHan6 n6 mAniLa, l4st tex qu n4 i2. l0AdaN mu MOna aqo n6 50 pes0s, i-unL1 mu nA r1n, g050 ha? paRA ma-s3nD qu nA tRack1n6 n0.


Sige, i-send mo, Miranda! Para mas lalong mainis sa'yo si Dos! Hay naku. Pero hindi naman iyon pikunin. Ngayon lang talaga, at hindi ko alam kung bakit. Baka nga talaga red days! Okay, erase ulit!


Ako:

Si Dos ka ba?


"Anda!"

"Tinapa!" 

Dahil sa sigaw ni mama ay nabagsak ang phone ko sa mukha ko! Bakit kailangan manigaw ang nanay ko? Si Aling Amanda talaga oh! Parang nakalulon ng megaphone. Nang alisin ko sa mukha ko ang phone ko at tiningnan ito, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong na-send nito ang mensaheng pabiro ko lamang na tinipa.

Shit! Hindi ako ready! 

Mas lalo akong kinabahan nang tumunog iyon at naramdaman ko ang pag vibrate. Pikit-mata ko itong binuksan. Please! Please! Please! Huwag ka sana tubuan ng sungay! Pero teka! Wala naman akong numero sa kanya so ano ang kinakakaba ko? Huminga na lamang ako ng malalim at binasa ang reply niya.


Dos:

Bakit?


Napangiti ako nang makita ang sagot niya! Palasagot pala 'tong si Dos ng mga unregistered number eh! Napakagat na lamang ako ng labi habang nag-iisip ng ire-reply sa kanya.


Ako:

Kasi gagawin ko lahat ng mga sinasabi mo.


Panis ang Do's and Dont's.  Alam kong corny pero kasi nabigla lang din naman ako. At saka pa, hindi naman niya ako makikilala eh. Napangisi ako. 


Dos:

Si Miranda ka ba?


Namilog ang mga mata ko at napaupo sa kama. Paano niya nalaman? 


Ako:

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now