Kabanata 36

450 12 0
                                        

"Akala ko ba friends lang sila ni Dos? Pero kung maka-asta itong si Shanyne, dinaig pa ang mga nag divorce sa pagka-broken at pagbibigay ng mga mala-misteryosong tweets!"

Sinulyapan ko ang phone ni Sara at hindi inalis ang mga mata sa isang tweet ni Shanyne. Ilang araw matapos ang tungkol sa pagpo-post namin ni Dos ng pictures ng isa't isa, tahimik lamang ito at ngayon lang nagparamdam.

Marami kasi ang naghanap dito at tinatanong kung ano raw ang nararamdaman. Napapaingos na lamang ako sa mga taong nangingialam. Mas may lalala pa pala sa akin, 'no? Kahit chismosa ako, usisera o ma-usyuso, alam ko pa rin kung saan ang linya na hindi ko dapat lagpasan.


@shanynegutz

Everything was surreal, not until the spotlight goes off.


@shanynegutz

It's always you who looks at me when I'm walking on my runway. Now, I'm the one who looks at you, alone, with you looking on the other way.


Napahampas ng mesa si Sara nang mabasa ang huling tweet. "O'diba?! Parang kailan lang ang arte-arte niya "Hala, wala pong kami. We're just friends!" Tapos mga tweets niya ngayon ganyanan?" pagpapalatak nito.

Maski ako ay naiinis sa inasta ni Shanyne. Dahil sa kanya, maraming haka-haka na baka raw ako pa ang third party. Anak ng! Ako na naman! Mayroon tuloy iba na namamalagi sa account ko at nag-iiwan ng komento na, 'No hate but mas bagay si Dos at Shanyne.'

Salamat ah? No hate pero mag-iiwan ng kapangit-pangit na mensahe. Utak nga naman ng mga taong nababad na sa internet. Hindi na masyadong nakakalanghap ng totoo at sariwang hangin. Nakalimutan na rin ang salitang respeto. Palibhasa kasi nasa likod lamang ng mga gamit nilang phone at kompyuter.

Pero hindi naman ako nagpaapekto roon dahil karamihan din naman ng tumatambay sa account ko ay suportado. Hindi ako aware na instant sikat na ako.

May pa-loveteam pa sila na, 'DoDa ako'. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pangalan. Parang maski ako ay nagdududa kung suportado sila o nang o-okray.

"Anda!"

Halos sabay kami ni Sara na napabaling sa isang kasamahan namin. Lumapit ito at inabot ang maliit na box na naglalaman ng strawberries. Ang kapatid kasi nito ay nagbebenta raw talaga ng mga 'yon na galing pang Baguio kaya naman nagpa-order ako.

"Maraming salamat, Miss Mahilum!" Agad na nanubig ang lalamunan ko nang binuksan ko iyon. Kinuha ko muna ang wallet ko para bayaran siya kapagkuwan ay kumuha ng isang strawberry.

"Mare, nagpa-check-up ka na ba?" bulong ni Sara.

Sumulyap ako sa kanya bago ulit kumuha ng isa pa. "Hindi pa. Wala pa akong oras eh." Tinampal nito ang kamay ko kaya naman napunta na sa kanya ang buong atensyon ko. "Bakit?"

"Anong walang oras? E'di gumawa ka! Hindi 'yan test paper o lesson plan na minsan puwedeng i-delay. Anak mo 'yan kaya naman magpa-check ka na! Jusko ka! Ilang buwan ka na bang buntis? Dalawa o magta-tatlo?" paghangos nito sa akin. Huminga naman ako ng malalim at napahawak sa sinapupunan ko na nagkakaroon na ng kaunting umbok.

"Alam na ba ni Dos?" tanong ulit nito. Umiling ako kaya naman napapikit ng mariin si Sara. "May kakilala akong puwede mong pag check-up-an. Siya ang OB ng pinsan ko kaya ire-refer kita roon."

Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pag kain ko na halos pangalatian ko na.


Dos:

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now