Kabanata 26

311 9 18
                                    

"Anong ginagawa mo rito?"

Hindi ko inaasahan na nandito si Jared sa bahay namin ng ganito kaaga. Ni hindi pa nga ako nakakaligo eh at paniguradong buhaghag pa ang buhok ko. May sinabi ba siyang pupunta ngayon? Para saan?

Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa at ngumiti nang unti-unti akong lumapit. Hindi na ako nag abala sa pag-aayos kahit na mukhang dinaanan ng bagyo ang itsura ko. Huli na rin naman at nakita na niya ako. At isa pa, may tiwala ako sa ganda ko. Wala namang laway sa gilid ng labi ko, at kung magulong buhok lang naman ang pag-uusapan, ay naku! Isipin niya nalang na kakatapos ko.

"Yayayain sana kita kumain sa labas. I texted you last night. Hindi mo ba nakita?" aniya.

Hindi naman ako makasagot dahil sa totoo lang ay gusto ko munang iwasan ang pag gamit ng phone. Bukod kasi sa nag re-review ako, gusto ko rin iwasan ang makita ang mga mensahe nila na nagpapagulo sa akin. 

Pareho naman kaming napalingon kay mama na may dalang basong tubig.

"Sigurado ka bang hindi ka na kakain dito, Jared?" ani mama sa kaharap ko.

"Hindi na po, Tita. Susunduin ko lang po sana si Anda pero mukhang hindi pa po siya nakakapagpaalam sa inyo... Puwede ko po ba yayain si Anda lumabas?" 

Hindi naman agad ako nakabawi sa sinabi nito. Ano 'to? Date ba namin? At pinagpapaalam niya ako kay mama! Sinulyapan ko si mama na blanko lamang ang itsura. Ano na naman kaya ang iniisip nito?

Ma, successful na ang anak mo. Heto na 'yong pangarap ko! Hindi ka ba masaya sa akin?

"Nililigawan mo ba si Anda?" diretsong tanong ni mama na ikinanganga ko. Lumapit ako rito at hinawakan sa braso.

"Ma..." pagpigil ko. Naku, ano na naman kaya ang sasabihin nito? Baka ipahiya ako.

Saglit ko namang sinulyapan si Jared na nakangiti lang at napahawak sa likod ng ulo. "Kung papayag po si Anda..." aniya na mariing nakatitig sa akin.

Shit! Heto na ba talaga? Heto na talaga ang pangarap ko! Liligawan na ako ni Jared! Pero bakit parang hindi ako na e-excite? Dapat nalalaglag na panty ko nito dahil sa mga pamatay na ngiti at mapaghubad na tingin niya ngayon.

Ito ang hinihintay ko noon pa man. Ito ang pangarap ko, hindi ba? Pero may nagsasabi sa likod ng isipan ko na hindi puwede. Na huwag pumayag at iwasan na siya o ipagtulakan na para sa ikakabuti namin.

Ang dali-dali lang naman ng mga salitang binitawan niya para sagutin ko pero hirap na hirap ako. Gusto kong um-oo para mapagbigyan ang parehong nararamdaman namin at maging masaya pero gusto kong humindi dahil nakikita kong mali ito. Mali dahil parang isang kataksilan ito sa parte niya na mag a-asawa na. Kahit pa man din kasunduan lang ang mayroon sila. At isa pa, hindi ba masyadong mabilis? Ligaw agad? Parang kailan lang siya no'ng umamin sa akin.

Nilingon naman ako ni mama. "Sigurado ka ba rito? Ito ba ang gusto mo?"

Hoy, Aling Amanda! Nakakahiya naman. Tayo pa ba ang aarte? Si Jared Tan Serrano na 'yan ah?! 

"Ma... ano ba 'yang sinasabi mo?" mahina kong sambit na alam ko namang narinig ni Jared. Kunwari, medyo mahiyaing binibini, pero may inang dragon.

Muling binalingan ni mama ang kasama namin. "Sigurado ka bang liligawan mo si Anda? Ito ba talaga ang tipo mo? Ito na 'yon?"

Nangunot ako sa pinaparating ni mama. Bakit parang siya pa ang may disgusto na gusto akong ligawan ni Jared?

"Gusto ko po si Anda."

Nagkibit ng balikat si mama at inalis niya ang kamay ko sa balikat. 

"Eh 'di ikaw bahala! Sayang ka pa naman," anito kay Jared.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now