Kabanata 25

409 10 12
                                        

"Come here, Anda!"

Ngumiti ako kay Jared at tumabi. Nakarinig pa ako ng pahabol na tukso kay Joanna. Nakapaikot kami ngayon sa buhangin at sa gitna ay isang maliit na bonfire na mukhang sina Franco ang may gawa. They were chilling since it will be our last night. Uuwi na rin kami bukas ng umaga.

"Saan ka galing?" tanong niya.

Wala sa sariling gumawi ang tingin ko kay Dos na nasa bandang kaliwa lang. Mariin itong nakatitig sa akin. Madali naman akong umiwas at tumikhim. Lihim kong pinapagalitan ang sarili ko kung bakit ko nasabi ang bagay na 'yon. Ang sarap putulin ng dila ko dahil minsan talaga ay hindi ito nagpapaawat. Tanggap ko pa ang pagiging madaldal ko sa ibang bagay eh. Pero ang palaging madulas sa katotohanan ay dapat kong pigilan. Nakakatakot ang magiging epekto nito.

Ako? Magseselos? Bakit? Ibig bang sabihin ay gusto ko talaga si Dos? At kailan ko naman siya nagustuhan? All this time, busy ako sa pagsusubok na mapansin ako ni Jared kaya bakit biglang lumiko ng ganito? Bakit sa isang iglap, bumaliktad ang lahat? Baka naman mali si Dos. Baka naman gusto niya lang guluhin ang nararamdaman ko... Knowing him, trip na trip niya akong guluhin.

I should settle my feelings. Madali lang naman ito. Puso ko 'to. Nararamdaman ko 'to. Kaya hindi na ako mahihirapan kung sino o ano talaga ang nararamdaman ko para kila Dos at Jared. 

"Are you okay? Pansin ko na balisa ka," napalingon ako kay Jared. Ngumiti ako sa kanya pero pansin ko na ang ngiting ibinibigay ko sa kanya ay hindi man lang umaabot sa mga mata ko. Hindi gaya noon...

"Oo naman! Naglibot lang din kasi ako kanina sa lugar..." sagot ko at ngumiti ng pagkalaki-laki.

Oh gosh... Do I really need to keep going on reconditioning my actions towards him? Parang lahat nalang ay napapansin ko at kinukumpara ko sa noon at ngayon. 

Tumango siya at tumingala. "There are lots of stars here. Gusto mo ba manatili rito hanggang mamaya? Let's watch the night sky."

Ginaya ko rin siya at napatingala. Niyakap ko ang tuhod ko dahil sa lamig na umihip. 

"O'sige ba! Hindi kasi natin na-enjoy ang kagabi," wala sa sarili kong sambit.

"You didn't enjoy?" Napatingin ako kay Jared at nakanguso ito. 

Napakurap ako at umiwas ng tingin. "I mean... we didn't get to enjoy the night here. The view..." Sinulyapan ko siya at tumango-tango ito.

"I enjoy what happened last night, though," aniya sa makahulugang tono.

Umingos ako. "Sabagay, sinong hindi mag e-enjoy kung sa umpisa ng gabi, umupo ako sa hita mo. Isunod mo pa ang pagkakakulong nating dalawa sa maliit na silid at pangatlo, naka-iskor ka sa labi ko," tuloy-tuloy kong saad.

Humalaklak si Jared sa sinabi ko kaya ang iba ay napatingin sa amin. Lihim kong kinurot ang katabi ko. Ngumiti na lamang ito at kagat-kagat ang ibabang labi para pigilan pa ang pagtawa.

"I never knew that you'll be like this, Anda. Straight to the point..." aniya. 

Straight to the point naman talaga ako! Hindi niya ba napapansin? Well, I admit that I filter myself when it comes to him dahil gusto ko ay ka-ibig-ibig ako sa paningin niya. Mala-Maria Clara gano'n! Kaya nga tuwang-tuwa si Dos pag sa kanya ko binubuntong ang mga lihim kong hangad sa kaibigan niya dahil napagti-trip-an niya pa ako... Si Dos na naman! Bakit ba nasisingit ko pa siya! 

"May something sa mukha mo," ani Jared na ikinataka ko naman. 

Napahawak ako sa mukha at kinapa kung may nakadikit ba. Baka may kulangot ako? Hala! Nakakahiya iyon! Isang malaking turn off! 

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now