"Ako ang batang 'yon, Jared!"
Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at halos magpagulong-gulong sa kama ko. Bakit hindi ko nasabi iyon sa kanya? Nang i-kuwento niya sa akin ang alaala niya kay Estella, naninigurado akong nagkakamali siya. Hindi si Estella ang batang nakasama niya. Ako iyon!
Bakit ko ba kasi tinakpan ang mga mata niya? Gusto kong sabunutan ang batang sarili ko! Masyado kasing nagma-maganda. Natakot lang naman ako at baka masilaw siya sa ganda ko o 'di kaya matulala. Wala akong pampagamot sa kanya pag nagkaroon ng implikasyon ang mga mata niya!
"Ang ganda talaga ng unica hija ko. Nakakasilaw ang ganda!" ayan ang laging sinasabi ni papa noon nang nabubuhay pa siya kaya ngayon ay nauto na ako ng tuluyan.
I was just seven years old at that time nang humingi ng pabor ang mga Serrano sa mama ko na ipagluto sila muli dahil may mga bisita rin sila. Sumama ako dahil ayokong mag-isa. Kaya naman naglibot na lamang ako sa flower farm ng mga Serrano at inabala ang sarili nang may mapulot akong magandang panyo hanggang sa naabutan ako ng malakas na ulan.
Nakakita ako ng maliit na kubo at doon nanatili. I watched the heavy rain poured and thunderbolt rebelled.
Dahil pangarap ko talaga noon ay maging artista, sinubukan kong mag drama. Nag isip ako ng mga bagay-bagay na puwedeng magpaluha sa akin hanggang sa may batang lalaki na tumakbo papasok sa kubo at ako naman ay nagtago.
Nang makapasok ang lalaki, muli nitong hinarap ang labas kaya naman nakatalikod ito sa akin. Umupo ito at niyakap ang mga tuhod. Nakikita ko ang bahagyang pagkislot niya sa tuwing dumadagundong ang kulog at kidlat.
Nawala na tuloy ang nais ko na umarte at pinanood ang lalaki kaya naman nilapitan ko na ito at itinali ang panyo na napulot ko sa kanya. Mukha kasi siyang umiiyak at naririnig ko minsan na ayaw ng mga lalaki na makita silang umiiyak dahil nagmu-mukha raw silang mahina.
"Huwag mong aalisin 'yan ha?" bilin ko.
Pansin ko naman ang pagkunot ng noo ng lalaki. "Aalis ka na?"
"Oo. Baka hinahanap na ako."
"Pero malakas pa ang ulan ah?" pagpipigil niya.
Napatingin naman ako sa labas. "Keri na sugurin 'to."
"Paano 'tong panyo mo?" pigil niya muli sa akin.
Ngumuso naman ako. "Eh 'di dalhin mo pag nakauwi ka na," ani ko bago ako tumakbo palayo at baka makurot na naman ako ni mama dahil kung saan saan na ako lumusot.
Muli kong pinukpok ang ulo ko. Kung ayun pala ang simula ng love story namin ni Jared, sana hindi ko na pinalagpas pa!
Pumatak ang Huwebes at ngayon ay ang araw na hiniling ni Isha na magpinta kami sa plaza. Gusto kasi niya na maging makahulugan ang gagawin nila na miyural kaya heto at pupunta na muna kami sa Bahay Pag-asa para sunduin ang mga bata na isasama namin.
Bumaba ako at nakita si Isha na nakaupo na parang isang modernong binibini.
"Binibining Inocencia, ipagpaumanhin ngunit saan ba ang tungo mo?" ani ko pagkalapit.
Ngumuso na lamang siya. As usual, naka-palda ito ng mahaba. Hindi yata talaga ito magpapakita ng paa.
"Ano na naman ba ang problema?" aniya.
Umiling ako. "Hindi na dapat ako magulat. Sa ganyang style ka nakilala ng Alcantara!"
Ilang sandali lang ay narinig na namin ang pag busina ni Tres at siyang pagsakay na rin namin.

YOU ARE READING
When the Two Collide (Numero Serye #DOS)
RomanceNumero Serye #2 Miranda Eduardo, ang daldalera at usisera sa buhay ng ibang tao. Walang takas ang bawat kuwento na kanyang nalalaman. Ngunit ano na lamang ang mangyayari kung isang araw, makasalubong niya ang taong hindi niya sinasadyang gawan ng is...