Kabanata 18

289 10 43
                                    

"I'll be your shoulder to cry on if you're hurting. Ayoko lang naman na makita ka ulit na umiiyak."

Paulit-ulit 'yon sa isipan ko na tumatakbo. Hindi ko alam kung bakit parang ang weird ng labas na iyon sa akin. Isinawalang-bahala ko na lamang at inisip na baka nagda-drama lang si Dos sa akin.

Lumipas ang ilang araw ay naging magaan nalang ang mga naging araw namin ni Isha. Halos hinihintay nalang namin ang araw ng pagma-martsa. 

Dahil wala akong magawa, balak ko nalang sana guluhin ang tiyo kong pangit sa bar. Para mas lalong tumanda ang itsura. O 'di kaya naman, asarin ang pinsan kong si Amel tungkol sa babaeng bago nilang waitress.

Nagbihis lamang ako ng ripped jeans at cropped top t-shirt. Itinali ko rin ang buhok ko dahil mainit din talaga. 

Pagbaba ko ay narinig ko ang boses ni mama at mukhang nahimigan na naman niya ang pagla-lakwatsa ko.

"Anda," tawag niya.

Ngumuso ako. "Yes, Aling Amanda?" 

"Saan na naman ang punta mo? Naku, lubus-lubusin mo na 'yan.  Kaya hindi na kita pinagbabawalan kasi nalalapit na ang pagtatapos ng buhay pa-kire mo," aniya habang may inilalagay sa paper bag.

"Grabe naman! Sinasaktan mo ako! Pupunta lang ako kila tiyo."

Inirapan niya lang ako at inabot sa akin ang paper bag. Kumunot ang noo ko at sinilip ang loob nito. Naamoy ko ang kare-kare.

"Anong gagawin ko rito?"

Dumungaw din si mama na akala mo'y hindi rin alam ang laman. "Paki-hatid sa Delgado. Nagpasuyo kasi si Dos no'ng isang araw na gusto niya sana ng kare-kare ko."

Bakit parang kinikilig pa 'tong si mama nang banggitin si Dos? Siguro ay nagayuma rin ito ni Dos sa mga pangiti-ngiti niya. Ay, sabagay! Crush nga pala ni mama itong si Dos dahil ang guwapo na nga raw, ang bait pa. Kung maka-hagikgik si Aling Amanda, akala mo ay virgin pa. Isumbong kita kay Manong Mervin eh. Papa oh!

Pero mas okay na kay Dos na siya magkagusto kaysa sa Jared ko.

"Bakit sa'yo pa kumuha? Ang layo-layo ng mansiyon nila eh!" reklamo ko.

Kinurot na lamang ako ni mama sa tagiliran. "Pero pag kila Jared, g na g ka!"

"Ma! Siyempre, future ko ang nakasalalay!" tugon ko. 

Itinulak na ako ni mama palabas habang ako ay mabibigat ang bawat hakbang. Ang ganda-ganda ko pero gagawin lang akong delivery girl. Wala naman bayad sa ginagawa ko! Sumimangot ako. 

"Lumarga ka na."


Labag sa loob kong nagpunta sa Delgado. Pagkarating ko roon ay agad na rin ako pinapasok nang makita ako no'ng guwardiya nila. Kilala na rin kasi nila kami ni Isha at siyempre, mga best friend ko na rin sila dahil nakakahakot din sila ng chismis sa akin mula sa plaza. 

"Dos? Tres?" tawag ko nang nasa loob na ako ng mansiyon nila. "Madame Felicia? Si Anda po ito!"

Dahan-dahan akong nagtungong dining area at sumilip. "Nandito na po ang kare-kare! Hinatid ng isang diyosa!"

"Patingin nga."

Napatalon ako nang may magsalita sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Dos na walang saplot at pawisan. Halos namumula rin ang dibdib niya dahil siguro sa init na dulot sa labas. Nakasabit ang t-shirt niya sa balikat niya.

"Close your mouth, Miranda," aniya na ikinurap-kurap ko. "And eyes up here."

Sinamaan ko siya ng tingin nang nakangisi ito. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagsulyap ko sa katawan niya. 

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon