Kabanata 40

377 12 1
                                    

"Happy birthday, love!"

Napakusot ako ng mga mata sa ingay na narinig ko, pagmulat ko ay nakita kong may hawak na tray si Dos. Dahan-dahan akong bumangon na agad namang inalalayan ni Dos dahil sa tiyan kong lumalaki na. Mabilis naman niya akong ninakawan ng halik kapagkuwan ay naupo sa tabi ko.

"Alam mo panira ka ng panaginip! Naglalaro kami ni Adan sa panaginip ko eh!" usal ko.

Ngumuso naman siya. "Kayo lang? Hindi ako kasama?"

Umirap ako at sinipat ang tray na hawak niya. "Kami lang. Kasi ikaw nandoon sa Manila."

"Babawi naman ako ngayon. I made your banana and bacon muffin. Ayan daw kasi ang ginagawa mo sabi ni mama," aniya at pinakita 'yon sa akin. 

Sa ibabaw ng muffins ay may mga letrang nakasulat gamit ang chocolate syrup na medyo makalat pa. Mayroong labing walong muffins na bumubuo ng salita na, 'Happy Birthday, Love!' at ang huli ay may nakalagay na puso at padamdam.

Paminsan-minsan kasi ay wala si Dos at tumutungo ng Manila para tumulong sa kompanya nila roon. Wala namang kaso sa akin 'yon. Alam ko naman na para sa amin din ang ginagawa niya. Iniisip ko tuloy na pag kaya ko na, maghahanap din ako ng trabaho. Napag-usapan na rin namin ito ni Dos at hindi naman niya ako pinigilan. Gaya nang sinabi niya kay mama, hahayaan niya ako sa gusto kong mangyari. Ang ayaw niya lang ay ang pahirapan pa ang sarili ko.

Matapos ang pag po-propose niya sa akin, pumayag ako sa alok niya na tumira na sa mansiyon. Sinabihan ko si mama tungkol dito pero tinanggihan niya. Gusto niya raw sa bahay namin dahil nandoon ang memorya nila ni papa. Hindi ko na siya napilit pa dahil pakiramdam ko ay hindi ko na mababago pa ang desisyon niya. Nasabi ni Dos sa akin na sinubukan niya rin i-alok kay mama ang tungkol sa pagsasama sa amin noong una bago niya ako tanungin pero inayawan ni mama ito kaya naman sinabihan ako ni Dos na kumbinsehin ko nalang si mama na sumama sa amin para hindi mag-isa.

Pero nire-respeto ko naman ang gusto ni mama. Tutal naman ay hindi naman kami ganoon kahiwalay sa isa't isa. Pareho pa rin naman kaming nasa Alcantara.

Kumuha ako ng isang muffin sa ginawa niya kapagkuwan ay binitawan niya ang tray sa side table. Ngayon ko lang napansin na may suot pala siyang pink na apron. He looks cute. Pero mas mukhang masarap siya tingnan pag walang suot na t-shirt at tanging apron lang ang nakabalot sa katawan niya. Sa susunod ay sasabihan ko siya tungkol rito.

Unang kagat, wala akong malasahan. Pero kalaunan naman ay nagkakaroon na ng after taste. 

"How was it?" his brows creased as he watched my expression. 

Ngumuso ako at nag-ikot ng mga mata. "Hmm..." Pero natigil ang dapat kong pagre-reklamo sa kanya nang may maramdaman ako. Maya-maya ay napaigtad na ako.

"Bakit?" pag-aalala niya. Kinuha na niya sa akin ang muffin na hawak ko at inilapag sa tray. "Masama ba lasa? Sorry, hindi ko yata nasunod ngㅡ"

Kinuha ko kaagad ang kanyang kamay at inilagay sa tiyan ko. Pinanood ko ang kanyang reaksyon na ngayon ay gulat sa naramdaman.

"Adan!" tawag niya at mas nilapit ang sarili rito. "Can you hear me?" 

Napangiti ako sa naging tugon ni Dos. Maski ako ay hindi makapaniwala. This is the first time that Adan kicked. Hindi man ganoon kalakas pero nararamdaman ko ang bahagyang pag-aktibo niya.

"Were you greeting your mama, huh? Say, 'Happy Birthday, Mama'," anito na ikinangisi ko dahil sa inaakto niya.

Mas lalo kaming natuwa nang maramdaman ulit ang pagsipa nito. Dos kissed my baby bump and said I love you to Adan. Umahon naman siya para gawaran ako ng halik sa labi. 

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now