Kabanata 38

330 11 6
                                    

"I need you to get home as soon as possible. Huwag tayo rito sa phone mag-usap."

Napakagat ako ng labi nang marinig ko iyon kay Madame Felicia. Hindi ko matunugan kung galit ba siya dahil malumanay pa rin ang boses niya pero may diin. Akala ko ay alam na niya ang tungkol sa amin pero mukhang ngayon lang din ipinaalam ni Dos matapos siguro nito mag file ng leave.

Nagbaba ako ng tingin at niyakap ang unan. Naupo si Dos sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. He smiled at me, reassuring that everything will be okay. He bid his goodbye to his mom and put down his phone on the side table.

"Don't think too much, okay?" aniya at hinuli ang hibla ng buhok na tumabon sa mukha ko at inipit 'yon sa likod ng tainga ko.

Lumapit pa siya ng kaunti sa akin para mahalikan ako sa noo na naging dahilan nang pagpikit ko. His forehead kisses comforts me so much to the point that I can't live a day without it.

"We'll take your final check-up here before we go back to Alcantara. You're on your week 16 of pregnancy. Sa tingin mo ba ay puwede na makita kung anong—"

"Dos. 'Di ba nga nasabi na sa'yo na mas magiging visible na ang sex ng bata pag nasa fifth month na? Week 18 is not long," putol ko sa kanya.

Ngumuso siya at nagbaba ng tingin sa hindi halatang umbok na tiyan ko dahil sa laki ng t-shirt niya na suot ko. Mas nagiging kumportable kasi ako sa mga damit niya kaysa sa akin. Though I already have my maternity dress na hinanda na niya para sa akin, hindi ko pa rin gusto suotin 'yon. I prefer his oversized t-shirt and tank top.

At isa pa, hindi rin ako masyadong malaki magbuntis. Siguro ay dahil nasa fourth month of pregnancy palang ako kaya parang mataba at busog lang akong tingnan.

Yumuko si Dos para mapantayan ang tiyan ko at nilapit ang mukha rito. Ako naman ay bahagyang umatras at itinukod ang isang kamay sa likuran ko sa gilid para suportahan ang sarili. Ang isang kamay ko naman ay hawak-hawak din ang tiyan ko at dinadama ang bata.

"Hi, baby. Naririnig mo ba ako? I'm excited to see you. Huwag mo pahirapan si mama sa paglabas mo ha? Mahal ko 'yan," aniya rito.

I bit my lower lip as I smiled to what I heard. Halos pigil ang hininga ko sa sinabi niyang 'yon. Gusto kong kunin ang puso ko ngayon at ihimlay sa unan para naman makapagpahinga. Parang hindi na kasi ito tumigil sa sobrang pagkabog sa tuwing nandiyan si Dos.

"Sa tingin mo ba ay lalaki siya?" tanong ko habang dinadama ang haplos niya sa akin sa tiyan. Tumingala siya sa akin at nagbalik naman ng tingin dito.

"I don't know. My mind is blank but I want a little girl that looks like you. Panigurado ay sobrang kulit nito. But if it's a boy, I'm sure that he will be my mini me. Malakas ang dugo ko. Delgado pa ba? One shot, one life nga nagawa ko," he glanced at me and winked.

"Ay, ang lakas nga talaga! Halika at i-u-umpog kita. Bawasan natin ang dugo mo!"

He chuckled and kissed my baby bump before he mounted to face me.

"May pangalan ka na bang naiisip?" tanong niya. Lumikot naman ang mga mata ko dahil sa totoo lang ay hindi pa 'yan sumasagi sa isipan ko. Pero ngayon na natanong niya, gusto ko ay makaluma ang pangalan.

"Hmm... Nagugustuhan ko kasi ang pangalan ng mga kapatid mo eh. Crisanto. Facundo. Ang cute, 'di ba?"

"Hindi ba cute ang Darius?" ngumuso siya.

Pinisil ko ang ilong niya at lumayo ng kaunti sa kanya para mahiga na. Siya naman ay sumunod at tumabi sa akin. He gently pulled and laid me on his chest. Ang kanang kamay ko ay namahinga rin dito, dinadama ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now