Kabanata 34

333 9 1
                                    

"May napapansin ako," bungad ni Sara sa akin habang nag tsi-check ako ng mga pinagawa kong activity sa mga estudyante ko.

Kumunot naman ang noo ko bago siya lapatan ng saglit na sulyap at muling tinuon ang atensyon sa ginagawa ko. "Ano naman?"

"Hmm... wala siguro. Iba lang kasi ang mood mo," puna niya na ikinalingon ko. Tumigil na muna ako panandalian para magpahinga dahil hindi maganda nitong mga nakaraang araw ang pakiramdam ko.

"Mood ko?" pagtutukoy ko. "Paanong iba? Eh wala naman akong ginagawa," umirap ako.

Isang palo ang ginawa niya at dinuro ako. "Ayun nga ang kakaiba. Wala kang ginagawa!"

Mas lalong nagdugtong ang dalawang kilay ko. Saglit kong tinitigan si Sara bago ako bumalik sa ginagawa. "Ewan ko sa'yo. Focus ka nalang diyan kay Sexes o kung sino man ang ka-text mo," tugon ko. Kanina ko pa kasi ito nahahagip na may ka-tip-an sa phone.

Napansin ko ang pag-ingos nito pero hindi ko nalang din pinuna. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko itong lumapit sa akin at dala-dala ang upuan para itabi sa akin.

"Okay ka lang ba, mare? Broken ka siguro? Ang lamya-lamya mo oh, kulang ka ba sa chismis?"

Pinukulan ko siya ng masamang tingin at bahagya itong umatras na mabilis namang itinaas ang parehong kamay bilang pagsuko. "Pero seryoso, magpahinga ka muna kaya. Masama yata timpla ng mukha mo."

Napahinga ako ng malalim at padaskol na nilapag ang ballpen bago ako humilig sa upuan ko. Napapikit na lamang ako at nakaramdam naman ng gutom.

Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na ang bigat-bigat ng katawan ko. Kaunting galaw o kilos ko, parang agad akong napapagod. Siguro ay dahil wala sa tamang oras ang pag kain o minsan naman ay hindi na ako kumakain dahil mas gusto kong magpahinga.

Dagdag pa sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Shanyne. Naiinis tuloy ako kay Dos kung bakit parang pinaglalaruan niya lang ako. It's clear that they both have a personal connection and not just a business affliation. Kaya nga siguro kinuhang modelo itong si Shanyne para sa isang subsidiary company nila.

Gusto kong prangkahin si Dos dito pero pinangunahan ako ng inis. Pero ang mokong, kung makaasta ay parang hindi nang to-two time. Mas lalo pa akong nainis nang pagkamalan ng ibang mga tao na ang litratong kumalat ay siya at si Shanyne. Mukha bang magka-level kami ng Shanyne na 'yon? Hindi naman ako mataas na poste!

Mas lalong uminit ang isyu na 'yon nang mag tweet si Shanyne sa makahulugang komento.


@shanynegutz

Know the difference between privacy and secrecy. We also have our own life.


Dahil do'n, inisip nga ng mga tao na baka nga tago lang ang relasyon nilang dalawa dahil pribadong tao rin si Dos. Napa-ingos na lamang ako. Itong Shanyne na 'to, imbes na magtweet ng para sa sarili, mas lalo lamang nagpapaningas ng apoy sa isyu.

Hindi pa rin tumigil ang ingay nang sumagot na si Dos patungkol dito nang mahulihan siya ng media.


"That picture, that moment, was between myself and my girlfriend. I don't think people should know about her. It's our life and I wanted us away from the spotlight."


So, hindi ka ba proud na ako ang babae mo, Dos? Bakit? Dahil ba sa isang model ang nali-link sa'yo tapos makukuhanan ka lang sa isang katulad ko?

Inis akong napapadyak dahil do'n. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil may out of the country business meeting ito. Pero hindi naman ito tumigil sa pangu-ngumusta sa akin.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now