Kabanata 9

398 16 42
                                        

"Sama ka nalang sa akin."

Nangalumbaba ako sa pag-aaya ni Isha sa akin sa plano niya. Pinag-iisipan ko kasi kung ano ang gagawin ko ngayong bakasyon.

Sayang kasi ang ganda ko kung itatambay ko lang ito sa bahay. Nanghihinayang ako sa mga tao rito sa Alcantara at hindi nila maaanigan ang ganda ko kaya heto, nag-iisip ako kung ano ang puwede kong gawin.

Well, pinag-isipan ko na ang tumulong sa bar ng tiyo ko pero parang gusto ko naman ng bagong experience.

"Ano ba 'yan?" tanong ko.

"Ang sabi kasi ni Ma'am Christine ay may fundraising event na gaganapin para sa Bahay Pag-asa next week kaya natanong niya ako kung puwede ba akong mag volunteer. Pinapangunahan ni Ma'am Felicia ito at ang pagkakaalam ko ay sumangguni na ito sa Mayor."

Napatango ako. Ang Bahay Pag-asa ay ang bahay-ampunan dito sa Alcantara na itinayo ni Madame Felicia.

"Bet naman!"

"Talaga? O'sige, sasabihan ko si Ma'am Christine na kasama ka!"

Speaking of Ma'am Christine, mas okay din pala na pumayag ako kasi pamangkin niya si Jared! Baka nandoon ang baby ko. Ilang linggo ko na iyon hindi nakikita. Busy na siguro ito sa flower farm nila.


Taste the Goods and Feel Good. Ayan ang nakalagay sa tarpaulin na nasa bungad ng plaza. Dalawang araw ang takbo ng event na ito. Isa itong bake sale competition na inaanyayahan ang lahat ng interesado rito na lumahok. Kahit pa nasa kabilang bayan ka, malugod kang tatanggapin dito.

Ang pitumpu't limang porsyento na makakalap ng bawat kalahok sa pagbenta nila ay mapupunta sa Bahay Pag-asa. Magandang tsansa rin ito sa mga kalahok na may sariling resipe at gustong ipagmalaki dahil ang mga judge na inimbitahan ni Madame Felicia ay galing pa sa siyudad. At sa tingin ko ay talaga nga namang bigatin!

Ang mananalo ay may nag-aabang na ng trabaho sa Manila. Pero kung hindi ka man nanalo, may posibilidad ka pa rin na alukan kung nagustuhan talaga ng ibang judges ang gawa mo. Magandang exposure rin talaga ito.

Kami ni Isha ang naka-assign sa pagpapakalat ng event nito through social medias last week. Ngayon naman ay tumutulong kami sa registration process. Kaming dalawa ang pinakabatang volunteer kaya ito lang muna ang sa amin. Tatawagin nalang daw nila kami kung may kailangan pa sila.

"Grabe, damang-dama ko ang init ngayong summer!" untag ko.

Pabagsak akong umupo sa bakanteng plastic chair na nasa tabi lang. Napalingon ako sa kasama ko na akala ko ay nakikinig sa pagrereklamo pero nakita ko lang si Isha na may kausap na pamilyar sa akin.

Tumango si Isha nang tanggapin nito ang tubig at sandwich sa lalaking bahagyang nakatalikod sa akin bago pumunta na sa gawi ko.

"Parang kilala ko 'yon ha!" usal ko.

"Si Tres Delgado?" inosenteng tanong ni Isha at ibinigay sa akin ang pa-meryenda namin. "Pinapabigay daw sa atin ni Ma'am Felicia."

Pinaningkitan ko naman si Isha. "Close kayo? Eh masungit 'yan ah?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Isang beses lang kami nagka-usap no'ng may event sa university. Photographer siya at ngayon naman ay siya rin ang nag do-document ng event na ito."

"Himala at nakikipag-usap 'yon. Sa tatlong Delgado, ayan ang ma-ilap eh. Well, hindi ko pa man din nakikita si Kuya Uno pero ang naririnig ko naman ay kahit papaano nakikisalamuha rin iyon. Hindi nga lang gaya ni Dos na feeling close."

Napatawa si Isha sa akin.

"Ikaw talaga. Walang takas lahat sa'yo! Lahat nababalitaan mo."

I smirked at her. "Ako pa ba? Ang chismis mismo ang lumalapit sa akin."

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now