Kabanata 33

330 9 0
                                    

"Tres!"

Mabilis akong lumapit sa puwesto nila at nameywang nang makarating. Alam kong lukot na lukot na ang mukha ko ngayon dahil sa nakita ko kanina. "Sabi mo tayo-tayo lang! Bakit nandito si Dos?!" reklamo ko.

Birthday kasi nito ngayon at nagyaya rito sa The One. Matagal-tagal na rin naman akong hindi nakakapag bar kaya pumayag na ako lalo na't kasama rin si Isha. No'ng una, sinigurado ko na hindi kasama si Dos, maski ang plano patungkol rito ay siniguro ko rin kung may alam siya o wala.

Pero labis ang pagka-irita ko nang makita si Dos sa may counter na nakahilig at tila may minamasid hanggang sa matagpuan ako nito. Kaya naman madali akong umalis at sinugod si Tres sa puwesto nila.

Lumukot din naman ang mukha nito bago ako sinagot, "Hindi ko naman siya sinama!"

"Eh bakit nga nandito?!" sigaw ko dahil sa malakas na tugtugan na namamayani.

"Am I not allowed here?" Napatingin ako kay Dos na lumapit sa amin. Ngumisi ito sa akin bago balingan ang mga nakaupo sa u-shaped sofa. "Long time, no see, Isha!" bati niya.

"You've changed so much, Kuya!" tugon naman ni Isha. Kahit ang pagsigaw nito ay masyadong malamyos.

Kinindatan na lamang ito ni Dos bago pansinin ang katabi ni Isha na si Javier na boyfriend nito. "You're with Javier now..." he trailed off and pouted to stifle a smile. Parang mapanudyo.

Padabog akong umalis at lumangoy sa dagat ng mga nagsasayawan. Inis pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa harap ni Jared. Bakit kailangan niya pang tumugon ng ganoon? Nakakaloka silang dalawa. Para silang nakikipagkompetisyon!

Tapos itong si Dos, kung makabakod sa akin o makapagkalat na girlfriend niya ako, parang hindi nali-link sa isang modelo ah? Pinupuntahan pa nga siya nitong babaeng 'to sa kompanya nila. Ewan ko sa kanya! Gusto yata dalawang babae sa buhay! Pinapanindigan ang pangalan na Dos sa ibang paraan!


"Love! Miranda!" rinig kong sigaw ni Dos na humahabol sa akin.

Tinakpan ko ang tainga ko habang tinatawid ang dance floor. Iniisip ko kung saan ako magsasayaw. Sana nandito si Sara. Ayun kasi lagi ang kaharutan ko kaya minsan ay napagkakamalan kaming magkarelasyon.

Mas lalong lumakas ang tugtugan. Sana rin pala ay uminom ako ng alak para man lang ma-hype ang katawan ko. Habang naghahanap ng puwesto na pagsasayawan, napapatingin ako minsan sa mga taong bumubunggo sa akin dahil sa kaharutan. Hindi man lang tumitingin sa paligid pag sumasayaw. Ewan ko ba kung bakit parang inis na inis ako ngayon. Feel ko tuloy ay magkakaroon na ako at nagiging moody ako these past few days.

Umirap ako at tinaas na lamang ang mga kamay sa ere at humiyaw. Sumayaw ako at halos tumatalon-talon. I closed my eyes and feel the music. Napapasabay rin ako sa pagkanta at minsan ay natatawa sa hindi ko malamang kadahilanan. Siguro ay dahil sa mga nakakasabay kong sumayaw at nanti-trip lang.

Napaigtad naman ako nang may humawak sa baywang ko. Napalingon ako't napatingala para makita kung sino 'yon.

"I told you to wait for me," bulong ni Dos.

Napalunok naman ako sa rahan ng boses niya. Para akong nilalasing gamit nito. Naramdaman ko ang marahan na pagtaas-baba ng mga kamay niya sa baywang ko. I bit my lower lips to suppress my wicked smile. Tinalikuran ko ito at pinagpatuloy ang pagsasayaw. I shamelessly rubbed my behind on his bulge area and raised my hands with a seductive moves.

"Don't tease me, love," paglapit pa ni Dos sa akin at nagsimula na ring gumalaw.

Bumundol naman ng kakaibang excitement ang puso ko. Napapatingin ako sa paligid namin at may iilang mga kababaihan na napapatingin sa amin... o sa kasama ko? Umirap ako at tinamaan ng pagka-inis. Humarap ako kay Dos na tumuwid ng pagkakatayo at nakangisi.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now