Kabanata 11

312 10 38
                                    

"Mauuna na ako, Isha. May aasikasuhin pa ako eh," pagpapaalam ko matapos ang diskusyon namin.

Sa totoo lang ay wala akong naintindihan sa diskusyon. Paano kasi, dahil sa pagpapaalala sa akin ni Isha tungkol sa pagiging chismosa ko, lumipad ang utak ko at nagbalik-alaala sa naging paunang taon namin dito sa unibersidad at 'yon ay ang tatlong taon na ang nakakaraan.

Tumango siya. "O'sige. Mag-iingat ka. Mag text ka sa akin pag nakauwi ka na."

"Aye, aye, Binibining Inocencia!" sumaludo ako sa kanya habang halos paatras na ako maglakad at umalis na.

Pupuntang Bahay Pag-asa si Isha habang ako naman ay pupuntahan si Jared dahil may hiningi siyang pabor.

Sobrang sariwa pa talaga ang alaala noon. Hindi ko nga naramdaman ang tatlong taon na nagdaan. Ngayon ay graduating student na kami. Ganito talaga siguro pag naging busy sa college.

Naging magkalapit kami ni Jared matapos ang unang pagyaya niya sa akin noong bumisita ako sa flower farm nila. Si Dos naman ay halos pakalat-kalat lang sa Alcantara. Naging busy na rin talaga iyon sa rancho nila at minsan ay tumutulong din talaga sa ibang subsidiary ng Delgado Corporation. Minsan ay nakakapag-usap kami pero madalas ay hanggang kumustahan lang.


Nang makapunta na ako sa mansiyon ng Serrano, dumiretso na ako sa pagpasok.

"Jared!" pagtatawag ko sa loob.

"Sandali!" rinig kong sigaw nito sa taas.

Naupo na lamang ako sa sofa at namahinga. Hindi ko alam kung bakit pa ako pinatawag ni Jared dito. Basta ang sabi niya lang ay may pabor siya sa akin na gagawin ko. At 'yon ay ang makinig at manood lang daw.

Nakarinig naman ako ng mabibigat na yabag na nagmamadali pababa. Sumalubong sa akin ang maaliwalas na mukha ni Jared. May nakasabit na gitara ito sa balikat.

"Ano meron?" takang tanong ko.

Ngumiti siya. "Tara sa Serroresce!" yaya niya at hinila na ako.

Napatingin naman ako sa magkahawak-kamay namin at bahagyang kinilig. Kaya hindi ako makahanap ng bago kong magugustuhan kasi halos lagi kong kasama si Jared. Lalo akong umaasa!

Dumiretso kami sa rose field nila at naupo naman sa arbour swing.

"Anong gagawin natin?" tanong ko. Nakangiti pa rin ito at ipinorma na ang gitara sa kanya.

"I told you. Just watch and listen."

Para bang naging hudyat iyon na magsimulang magbukas ang mga ilaw sa paligid at pumalibot sa amin. Ganitong ganito ang nangyari noong unang magkasama kami rito sa field nila.

He started strumming.


"I like the vision of us, but something more,

'Cause being just friends ain't enough,

Girl we've been texting too much late at night,

And I just got a confession"


Halos nahigit ko ang hininga ko at bumilis ang tibok ng puso ko. He's singing while smiling at me. Hinaharanahan niya ba ako?


"(If it's a crime) To tell you how I feel then I don't,

(Wanna be right) 'Cause it's killing me to set all these,

(Emotions aside) We don't have to hide this no more,"


Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napangiti na lamang ako. Halos mapunit na nga ito sa sobrang laki ng ngiti ko. Napahawak din ako sa puso ko na tila ba'y lalabas na ito sa dibdib ko.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now