Kabanata 8

321 16 17
                                    

"Ang ganda mo, Anda!"

Hanggang ngayon ay nagre-replay pa rin sa utak ko ang eksena. Iba na talaga ang tama ko kay Jared!

"Ang ganda ko! Ang ganda mo, Anda! Ang ganda-ganda talaga!"

Para akong baliw dito na kausap ang sarili. Halos kalahating oras lang naman ang nakalipas pero parang tatlumpung segundo lang iyon.

Napa-sulyap muli ako kay Jared na nakabalik na sa grupo nila. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ito na ikinangiti ko rin.

"Anda, umuwi ka na," ani Kuya Amel sa tabi ko.

"Bakit? Tumutulong pa ako ah?"

"Hindi ko lang kasi inakala na lumala ka na."

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Ha?"

"Sinong hindi matatakot pag 'yong kasama niya ay biglang nagsalita na ang ganda-ganda raw niya? Tapos nakangiti pa ng nakakatakot? Partida, hindi pa 'yan nakainom ha! Kailangan ko pa pala mag-ipon ng pagpapagamot sa'yo."

"Walang gamot sa kagandahan ko!"

Umiling-iling na lamang ang pinsan ko. "Bumaba ka na at hintayin mo nalang ako para mahatid kita."

"Huwag na. Mag t-tricycle na lang ako!"

"Delikado-"

"Ang kagandahan ko," putol ko at madaling umalis na.


Pagkalabas ko ng bar at nang makalayo ng kaunti, naupo na muna ako sa gilid. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at hinilig ang ulo ko sa gitara'ng nasa likod ko. Pakiramdam ko nga ay yakap-yakap ako ni Jared dahil sa suot kong jacket.

Ilang sandali lamang ay nagpasya na akong tumayo at umuwi.

"Uuwi ka na?" Halos mapatalon ako nang may magsalita sa likod ko.

Para bang awtomatikong nag dugtong ang mga kilay ko kay Dos. Naka-puting t-shirt ito at faded pants. As usual, malinis siyang tingnan.

"Hindi. Magla-lakwatsa pa!" pabalang kong sagot bago siya talikuran.

Naiinis na naman ako sa kanya lalo na nang maalala ko ang huling araw na magkasama pa kami.

"Delikado na ah," aniya at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Tumigil naman ako at hinarap siya. Isang dipa ang layo namin ngayon. "Bakit hindi ka nalang sumabay kay Amel?"

Wow, close ba sila?

"Gusto ko na umuwi," pagod kong saad.

"Hatid na kita," aniya at naglakad palapit sa akin.

"Ayoko nga," sagot ko at tinalikuran siya. Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang hinila nito ang case ng gitara ko kaya naman pati ako ay nadala at tinungo ang sasakyan niya.

"Sabing ayoko!" pagmamatigas ko pero mas matigas yata ang bungo nitong si Dos at wala na akong nagawa kundi sumakay sa sasakyan niya.


Tahimik lamang kami sa loob at ako naman ay nagtu-tulog tulugan at yakap-yakap ang gitara ko. Nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan niya, umayos ako ng upo at mabilis na tinanggal ang seatbelt.

Bago ko pa man buksan ang pinto ay may hinagis sa akin si Dos. Napa-kunot ako ng noo at tinitigan ang maliit na box na bumagsak sa hita ko.

Kinuha ko iyon at tiningnan si Dos. "Ano 'to?"

"Ba't 'di mo buksan," aniya at ngumiti.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at lihiim na napa-awang ang labi ko nang makita ang crescent moon necklace na balak kong bilhin. I pursed my lips and creased my brows again as I faced Dos.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon