Kabanata 2

463 23 66
                                    

Binalik ko ang atensyon ko sa mga libro at hinahanap ang bawat puwesto nila.

"Tungkol saan?" Hindi ko siya tinitingnan at ginawang busy ang sarili. Sa totoo lang ay medyo kinakabahan ako kasi baka mamaya pagbayaran niya ako sa damage sa pangalan niya.

He's Darius Delgado. Anak ni Don Facundo Delgado at Madame Felicia Delgado. Ang pangalawang anak na hahawak sa Rancho Delgado. Ang sunod na yayapak sa Delgado Corporation na sa pagkakaalam ko ay talaga nga naman namamayagpag sa Pilipinas.

Pero hindi lang siya roon kilala rito sa Alcantara. Kilala ito dahil sa pagiging butihing anak, kaibigan at kakilala. Marami ang may gusto kay Dos dahil madaling mapakisamahan at maski sa mga nagta-trabaho sa kanila ay mabait ito. Kumbaga perfect son na ito, wala kang malalait!

Kaya sa tingin ko ay kung sino man ang haharang dito, hindi na niya kailangan gumalaw dahil ang mga humahanga na sa kanya ang gagawa para ipagtanggol siya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pamumulsa nito. "About the chismis you started."

Heto na! Lihim akong umirap. Ako ba nagsimula? Aba! Nagkuwento lang naman ako sa mga alipores kong chismosa na hindi marunong paano ayusin ang kuwento! Demoted sila sa akin pag nakita ko sila!

"How sure of you that I'm the one who started it?" lakas-loob kong tanong. English yan kasi English din ang saad niya.

Sinulyapan ko siya at tumaas lang ang kilay nito sa akin at malalim ang tingin. Ibang-iba sa pinapakita niya sa maraming tao.

"You're the famous Miranda Eduardo," aniya na para bang sapat na ang rason na iyon.

Paanong famous ba 'yan? Famous kasi maganda ako? Sexy? Sabagay. Hindi na ako magtataka kung kilala na ako bilang ganoon. Hindi ko naman matatago ang sarili ko. Hirap na hirap na akong itago ang pagiging diyosa ko!

Umirap na lamang ako ng tuluyan sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Kunwari maldita type ako. Kasi ganoon mo mapapahabol ang ibang mga lalaki. Kunwari wala kang interes sa kanila tapos makukuryuso naman sila bakit hindi gumagana ang charms nila sa'yo kaya hahabulin ka nila para malaman ang sides mo.

"You're the famous Dos Delgado, the good one. I'm sure naman makikinig sa'yo si Aira kaysa sa chismis."

Hindi ito sumagot.

"Ang bobo naman niya kung nagpaniwala agad sa chismis bago alamin ang totoo," bulong ko na mukhang narinig ni Dos.

"That's why you need to tell her the truth."

Hinarap ko naman ito at nameywang. "Porket senior ka, sa tingin mo gagawin ko iyon?"

He just smirked at me. Nainis naman ako sa inasta niya. Pero in fairness naman ha, guwapo itong si Dos. Pag nakangiti siya ay parang anghel pero no'ng ngumisi na ito pinababa na siya ng langit.

"Pag ba si Jared ang nakipag-usap sa'yo, gagawin mo?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya at umaktong hindi naapektuhan. Ano naman ngayon kung si Jared? Sige nga gawin niya! Hanggang hamon lang yata itong lalaking ito.

"I knew it!" aniya sa sarili na ikinanuot ng noo ko. "You have a crush on Jared Serrano."

"O, tapos?"

Kinakabahan akong ibinalik ang tatlong libro sa istante sa itaas. Matangkad naman ako pero dahil kay Dos parang hindi ko mailagay ng maayos ang libro.

"Ikaw ang nagbigay ng letter sa kanya—"

"Fuck!" nabitawan ko ang librong nilalagay ko sa salansanan at natamaan ako sa mukha.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now