"Puwede ba tayong lumabas?"
Napahawak ako sa bibig ko nang yayain ako ni Jared.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang pinapalo ko ang kawawang stuffed toy ko. Inilayo ko muna ng kaunti ang phone ko sa akin at baka marinig ako ni Jared.
"Breathe in, breathe out! Kalma, Anda!" bulong ko sa sarili ko.
Niyayaya na ba ako ni Jared mag date? Kasi kung may kailangan naman siya sa akin, ang itatanong niya dapat ay kung may libreng oras ba ako para tulungan siya. Basta wala ng patumpik-tumpik pa ang pagyaya niya.
Muli kong idinikit ang phone sa tainga ko.
"Hello, Anda? Ayos ka lang ba? Nakarinig kasi ako ng kalabog."
"Puso ko 'yon, ginugulo mo kasi," banat ko sa sarili ko.
"Anong sabi mo?"
Tumikhim na muna ako. Act normal, Miranda Ganda!
"Uh... ayos lang, Jared. Saan mo ba gusto pumunta?"
Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagsabog ng nararamdaman ko.
"Sa mall sana. So puwede ka ba?"
"Shuta, siyempre! Puwedeng-puwede ako pag kailangan mo ko!" muli kong bulong sa sarili.
"Ano?"
"Ang sabi ko, puwede naman. Saan ba tayo magkikita?" yakap-yakap ko ang unan ko. Kunwari si Jared ito.
"Susunduin nalang kita riyan sa inyo," aniya na ikinabangon ko.
Susunduin ako ng baby Jared ko?! Shit! Kailangan ko na mag-ayos!
"O'sige ba. I-text mo nalang ako pag malapit ka na. Para hindi ka na maghintay pa," sagot ko habang kinakalkal ang drawer at cabinet ko.
I heard him chuckled. "Just take your time. Ako na nga ang nagyaya sa'yo eh. I'll just wait for you."
"Shutangina ka, Jared!" impit kong tili.
"A-Ano?"
Ay, gaga. Narinig ba niya?
"Ang sabi ko, sure, ikaw talaga, Jared."
Matapos namin pag-usapan ang oras na susunduin niya ako, agad kong itinapon ang phone sa kama at tumili habang nagtatatalon-talon.
"Kaloka!" tili ko at tumawa. Nakakabaliw naman ito.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto.
"Anong nangyari?! May nakapasok ba?!" taranta ni mama.
Tumakbo ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Mama, pinasok ako!"
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Kailangan kong ilabas 'to at baka bigla nalang akong sumabog sa harapan ni Jared dahil sa pagpipigil.
"Nasaan na?! Tatawag na ako ng tulong! Nakilala mo ba?"
Tumango-tango ako habang nakangiti. "Si Jared, mama! Pinasukan ako!"
Pinasukan niya ang pakipot kong puso!
Natigilan si mama at sinapok ako. "Ikaw talagang bata ka! Anong pinasukan?! Huwag mong sabihin gumawa kayo ng milagro rito kaya naman sumisigaw ka?!"
Pinalo-palo pa ako ni mama gamit ang diyaryo na nirolyo niya.
"Makeri ka talaga! Kaya rin ba masakit ang katawan mo kahapon dahil nakipagtusukan ka na ha?!"

BINABASA MO ANG
When the Two Collide (Numero Serye #DOS)
RomanceNumero Serye #2 Miranda Eduardo, ang daldalera at usisera sa buhay ng ibang tao. Walang takas ang bawat kuwento na kanyang nalalaman. Ngunit ano na lamang ang mangyayari kung isang araw, makasalubong niya ang taong hindi niya sinasadyang gawan ng is...