Wakas

594 13 1
                                        

Reminisce 101 with Dos.


"Tigilan mo ako, Jared!"

Kinakabahan na pinagsalikop ko ang mga kamay kong namamawis sa sobrang kaba at ikiniskis ito habang nakamasid sa entrado ng simbahan.

My bride is late for almost five minutes and I can't help but wondered where she is right now. Imbes na tulungan ako ng katabi ko kung ano na ang balita kay Anda, ginagatungan pa nito ang mga agam-agam na nabubuo sa utak ko.

"Paano pag natauhan siya? Tapos na-realize niyang ako ulit gusto niya? Huwag ka mag-alala, pre, aalagaan ko si Antonio Danilo niyo," tuloy pa nito.

Hindi ko alam kung bakit ito ang ginawa kong best man. Eh naging kaagaw ko nga pala 'to kay Anda. Dapat pala si Franco nalang. Wala siyang kwenta! Hindi nakakatulong! Kung hindi ko lang kasal ngayon, hindi lang block sa social media accounts gagawin ko. Baka pati black-eye ay gagawin ko sa kanya.

Pinukulan ko ito ng masamang tingin bago bumaling sa batang lalaki na nag-iingay ngayon at pumapalakpak. Nawala ang inis ko sa katabi ko at napalitan ng malaking ngiti. Surely, Miranda will never leave us. Especially that our son is here. At isa pa, baka makurot lang siya ni mama Amanda.

"Papapapa!"

Bahagya akong gumilid sapat na para bulungan si Mama. "Ma, ibaba mo na si Adan. Ang bigat na niya para buhatin mo." Hindi ako pinansin ni mama at sa halip ay nilaro-laro ang apo na bumubungisngis ngayon. Huminga ako ng malalim at kinakalma ang sarili. 

"Pre, paano kungㅡ"

"Titigil ka o ipapahatid kita pauwi sa inyo?" putol ko sa kanya. Sumimangot lang ito sa akin at umatras na. May kung ano pa itong binulong na hindi ko na nakuha dahil nakita ko na ang pagsenyas ng coordinator. 

Mas lalo akong kinabahan. Heto na talaga! Finally! After a year and a half of waiting, I'm going to marry the woman who lights up my world. The woman who shows what life is between it. 

And life between it is 'if'. The 'what-ifs'. Sa kanya ko natutunan ang mga 'paano'. Na sa bawat sitwasyon, ay may laging dalawang pagpipilian. May dalawang 'paano' na nakataya sa bawat desisyon na gagawin natin. 


"Bakit ba ayaw mo? Hindi ba makikinabang ka rin naman?" pangungulit niya.

For once, hindi ko nagugustuhan ang pagiging makulit niya. Oo, gusto ko si Estella. Gusto kong matigil ang kasal niya. Pero nang malaman ko na si Jared ang itinakda para sa kanya, umatras ako. Siguro nga ay mababaw ang pagkanais ko sa kanya kaya't ganito na lamang ako na hayaan siya sa kung saan ang dapat para sa kanya. 

"Kung para sa atin, Anda, para sa atin. We can't force our feelings. Hayaan na natin kung saan tayo dadalhin," sagot ko. And right now, I'm in danger. Dahil dinadala na ako nito sa'yo. Hindi ako sigurado pero ito ang nakikita ko. Tina-traydor na ako ng puso ko.

But that's when she made me realize that life is balanced with our choices. Ang lahat ng desisyon ay may kaakibat na rason. Life should not always go with the flow. No matter what happens, we will end up choosing what's best for us. 


"The dawn is breaking,

A light shining through

You're barely waking,

And I'm tangled up in you,"


The song that Miranda wanted started. We all looked at the entrance of the church, waiting for them to open it. It feels like time slowed down when they slowly opened the door and showed my love to us, to me.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now