Kabanata 28

305 8 12
                                    

"Uuwi nalang ako sa amin," pagpipilit ko.

Umigting ang panga ni Dos at pilit akong tinabunan ng comforter. Ngumuso ako dahil sa inasta niya. Ngayon ko lang siyang nakita na ganito ka-seryoso. Nakikita ko tuloy sa kanya ang mukha ni Tres na laging naka-busangot pero mas kahawig niya si Kuya Uno dahil siguro sa pagiging matured ng mukha.

Kaninang pagkauwi, mabilis na dumalo ang mga kasambahay nila. Nakahanda na rin ang paliliguan ko at ang mga damit. Siguro ay inabisuhan na sila ni Dos bago pa kami makarating. Narinig ko pa ang pag u-utos nito na maghanda ng isang mainit na sopas.

Pinasadahan ko naman ang silid. Hindi ito ang madalas na pinagpapatuloy namin ni Isha na guestroom. Pakiramdam ko nga ay kuwarto ito ni Dos dahil nakikita ko ang iilan niyang gamit sa loob.

"Lagot ka sa akin pag umalis ka," babala niya.

Umingos ako at pinanood na lamang siyang umalis. Hindi pa ito nagpapalit ng damit kaya't basang-basa rin siya. Halos hindi nito pansinin ang sarili dahil nakatuon ang atensyon niya sa akin. Sa paraan tuloy na 'yon ay nakaramdam ako ng pagkatalon sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ito.

Ganito... Ganito ang nararamdaman ko noon kay Jared na tuluyan na ngang nalipat kay Dos. But there's still a foreign feelings I can't describe. Parang delikado sa pakiramdam. Parang malalim. Pero hindi ko itatanggi na gusto ko ito. Mas lalo akong nananabik sa ganitong pakiramdam kahit na parang mapapaso ako.

"Kaya ko naman," inis kong turan. Hindi naman ako imbalido para hindi makakain ng maayos. Bakit pa kailangan subuan? Sumimangot ako.

"Ah," pag-utos sa akin ni Dos at tinapat sa akin ang kutsara na may mainit na sabaw.

Naka-kumportableng t-shirt at shorts na ito. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako. Ginising na lamang niya ako para makakain at makahigop ng mainit na sabaw. Naririnig ko pa rin ang pagbuhos ng ulan kaya't napatingin ako sa may makapal na kurtina. Hindi ko tuloy alam kung may liwanag pa ba o madilim na. Anong oras na kaya? Baka hinahanap na ako ni mama.

Pagkahigop ko ay sinulyapan ko si Dos. "Anong oras na ba?" tanong ko.

Tahimik lang siya sa pagpapakain sa akin. Hinipan na muna niya ang sabaw bago muling itapat sa akin ang kutsara.

"I called Tita Amanda. Dito ka na muna hangga't hindi tumitila ang ulan," aniya.

Lumunok ako at pinasadahan ng dila ko ang labi ko. Nahuli ko ang pagsulyap ni Dos dito.

"Luh? Puwede mo naman akong ihatid doon. Anong gamit ng sasakyan mo? Display?"

"Binasa mo," pagtataray nito.

Umarko ang kilay ko. "Sabi mo stay still! Alam mo namang basa na ako pero pinasok mo pa rin."

There's a glint of wickedness on his face. Nakikita ko 'yon sa mga mata niya. Anong iniisip nito?

"I have no problem with that though..."

Saglit akong natigilan nang mahinuhan ko ang makahulugan na saad niya. Teka, anong iniisip niya sa sinasabi ko? Iba ba ang nasa utak nito sa basa at pasok ko?!

"Stop with your dirty mind!" asik ko.

His brows furrowed and stifled an amusement on his face. "What? I said I have no problem with you being wet inside—"

"Shut up, Delgago!"

"Inside my car," tuloy niya pa rin at madiin ang sagot. "One more Delgago, at papakitaan kita..."

"Dos!"

"Papakita ko sa'yo kung paano ako maging gago," he said with a tone of humor.

Ngumiwi ako habang siya ay ngumuso na lamang at nilapag ang wala ng laman na bowl sa tray. Inabot naman niya sa akin ang tubig. Kapagkuwa'y inalis niya sa akin ang tray at ipinatong na muna sa side table. Napaigtad pa ako nang ilapat niya sa noo ko ang kamay niya at pati na rin sa leeg.

When the Two Collide (Numero Serye #DOS)Where stories live. Discover now