DIARY ENTRY #2

46 3 0
                                    


DIARY ENTRY #2

Dear Diary,

Good morning, Diary! Another day, another day. So bale nagka-activity kami kanina sa ESP. Oh taray, diba? May edukasyon sa pagpapakatao kahit dimunyu ako 'de charot ang bait ko kaya. Anyways, so ayun, mas nakilala ko ang ilan sa mga kaklase ko like Jana and KC. Jusko! Isa pa 'tong cute baka crush ko na huhuness.

Anyways, Diary, mukhang crush ko rin 'tong katabi kong si Ben. Jusmiyo kahawig yung naging crush ko nung grade 5 na si Ian eh. I mean kapag lang naka-side view pero kapag nakaharap, 'di na ulit kamukha.

Hmm... Ano pa ba iku-kwento ko, Diary? Ay! Naaalala mo yung sinabi ko nung isang araw na madaldal din na feeling ko eh makakasundo ko? Her name is Kit! And friends na kami! Ansaya niya kausap, kaya lang ini-english ako, jusmiyo! Feeling ko tuloy mauubusan kaagad ako ng dugo kapag tumagal pa ang pakikipag-usap ko sa kanya.

Ano pa ba ang pwedeng maikwento? Hmm... Oh right! Yung sinabi kong singkit na Hapon, hindi naman pala siya hapon, Diary, may dugong Chinese lang. Pero mahilig sa anime kaya nagha-Hapon, tapos katulad ni Kit, englishero ang kuya mo! Edi 'di ko pa rin kinakausap ng matagal, kakailanganin ko na ang tulong ni Red Cross kapag nangyari 'yun eh.

Pero alam mo ba, Diary? Kanina nung nagpi-picture ako. Katatapos lang nun ng PE class namin tapos ano diary! Jusko! So ayun nga! Nagselfie nga ako! Eh sakto nasa likod ko pala ang Intsik! Edi nasasama sa picture tapos natawa. Hanggang sa ibinato na yung hawak niyang towelette sa phone ko para tumigil ako sa kaka-picture. Tinawanan ko lang naman siya. In all fairness, Diary, ang cute niya kapag tumatawa. Mas nawawala yung mata.

Anyways, yun lang naman muna ang naganap ngayong araw, Diary! Saka na ulit ako magk-kwento sayo kapag may importanteng mahalaga na ang nangyari sa aking life, oki?

Write on you next time, Diary!

Cute na pretty pa,

Zoe

Dear Goodbye... [COMPLETED]Where stories live. Discover now